"Ilang araw na araw na lang ang natitira para sa kagawaran at sa administrasyong Duterte upang dinggin ang panawagan ng mga guro ng bayan."
According to Act NCR Union, there are 26 days left for Duterte government to take the initiative to "grant teachers with service credits and overtime pay".
“Our teachers have always given too much despite their circumstances, and they only ask for what is due them,” Alliance of Concerned Teachers (ACT) Secretary General Raymond Basilio.
Despite this, Basilio alleged that teachers, especially in public schools, “have received little to no support from the government for all their efforts since the start of the pandemic.”
Ang compensation o remuneration ay bayad sa pagtatrabaho ng empleyado o mga benepisyo gaya ng bonuses at allowances. Ayon sa Section 20 ng Magna Carta for public school teachers, ang mga ito ay dapat ibigay sa pamamagitan ng Legal Tender o pera. Walang nabanggit sa naturang Magna Carta tungkol sa bayad sa pamamagitan ng service credits.
Nagkakaroon ng additional compensation kapag ang teacher ay nag overtime o pinagturo ng lampas na sa anim na oras. Ayon sa Section 14 ng Magna Carta for Public School Teachers, ang overtime ay equivalent sa 1.25% ng regular remuneration. (Sec. 14, RA 4670).
Ayon naman sa Civil Service Commission at DBM, ang overtime pay ng lahat ng empleyado ng gobyerno ay 1.25% ng hourly rate on scheduled workday at 1.5% naman kung pinagtrabaho ng rest day, scheduled day off, holiday, o special non-working day. (Sec. 9.4 ng CSC-DBM JC No. 1, s. 2015)
Nakasaad naman sa DepEd Order 53, 2003 na kapag ang overtime pay ay hindi possible, maaaring bigyan ang guro ng service credit. Ang isang work day service credit ay gagamiting para ma offset ang isang araw na pag absent kung may sakit ang teacher. Mapapansing nawala na ang additional na 25% na sinasabi sa Magna Carta at CSC-DBM JC No. 1, s. 2015.
Sa DepEd Memorandum 291,s. 2008, nilinaw na sa pagkakataong walang available na pondo, ang one hour overtime work ay katumbas ng 1.25 hours na gagamiting basehan sa pagkwenta ng service credits. Ngayon, nasusunod nga ba ang 1 hour overtime = 1.25 hours service credit?
Pansinin naman natin ang nakasaad sa DepEd Memorandum 66, 2018 sa pagbibigay ng service credits sa mga serbisyo sa Brigada Eskwela. Kapag nakumpleto daw ang anim na araw na partisipasyon, may tatlong araw daw na matatanggap na service credits. Ano kaya ang naging basehan ng kwentada na ang isang araw na pagseserbisyo ay katumbas na lang ng kalahating araw na service credit?
Kung susuriin ang mga nakasaad sa special law na RA 4670, CSC MC 41, s. 1998, CSC-DBM Joint Circular No. 1, s. 2015, DM 291, s. 2008 masasabi ba natin na ang mga guro ay walang katwiran na magtaka sa pagbibigay ng kasalukuyang patakaran ukol sa overtime o service credit? Oo, maliit lang ang 25%, pwedeng ipagkibit balikat na lamang dahil sanay naman tayong magbigay ng libreng serbisyo. Ang 50% na nawala sa Brigada Eskwela ay pwede ring tanggapin ng bukal sa loob dahil sabi nga ng mga kulang ang pang unawa sa kung ano ang Proportional Vacation Pay (PVP), sumusweldo naman daw tayo tuwing bakasyon kahit hindi nagtatrabaho. Pero ang karapatan na ipinagkait sa nararapat na makatanggap ay kahalintulad na rin sa pagyurak sa pagkatao at pagiging propesyonal ng mga guro.
LOOK! SEPTEMBER 2024 LET RESULTS Click Here
🎉 GOOD NEWS! Updates on the 2024 Service Recognition Incentives Check it HERE.
0 Comments