Nalalapit na ang completion at graduation rites ng mga pampublikong paaralan at dahil pinayagan na ang limited face-to-face ceremony ay talaga namang pinaghahandaan na ito ng mga guro at mag-aaral.
Viral ngayon sa social media ang ipinalabas na memorandum ng Department of Education-Agusan Del Sur dahil sa mga mungkahing completion song para sa Grade 6 sa Elementarya at Grade 10 naman sa Junior High School.
“In this connection, DepEd Agusan Del Sur informed the field of the End-of-School Year Rites Songs for S.Y. 2021-2022 below,” saad sa memo.
Para sa kindergarten, ang kakantahin ay “Tomorrow” by Annie (1982) na inawit ni Andrea McArdle. Para naman sa Grade 12, ito ay “Goodbye High School” ni Kaitee Dal Pra. Sa Grade 6 naman, “A Million Dreams” mula sa hit movie na “The Greatest Showman”.
Ngunit ang nakatawag-pansin at talaga namang kinaaliwan ng mga netizen ay ang “Never Enough” na completion rites song ng Grade 10 na inawit ni Loren Allred mula rin sa pelikula. Maganda naman daw ang mensahe talaga nito, subalit tumatak kasi sa mga netizen kung paano ito inawit ng singer, gayundin ang version nito ni Asia’s Phoenix Morissette Amon.
“Biritan pala ang mangyayari hahahaha.”
“Maganda naman kasi yung mensahe ng awitin. Magiging concern diyan yung birit part hahaha.”
“Mga choir na yata sila hahaha.”
“Kung sino hindi makakaabot sa tono ng NEVER ENOOOOUUGGGHHHH!!!! hindi ire-release ang card at diploma hahaha.”
“Grabehan, pang-Broadway kanta sa graduation”.
“Pagdating sa chorus lip-sync lng ang all ‘Never enough’ kahit mag-practice ng isang taon.”
May pumuna rin sa meaning at relevance nito sa completion rites dahil love song daw ito.
“The major concern here is not the key as it can be transposed but rather the MEANING and its RELEVANCE. This is a love song.”
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng DepEd Agusan Del Sur tungkol dito.
Source: balita.net.ph
NOW AVAILABLE! DLL Quarte 2 Week 6 Click Here
🎉 Special NON-WORKING HOLIDAYS! for November and December 2024 Check it HERE.
0 Comments