Ang Brigada Eskwela program ng DepEd ay tradisyon nang ginagawa ng mga guro tuwing magsisimula ang klase o magbabalik-silid-aralan ang mga estudyante mula sa mahabang bakasyon.
Ito rin ang nagsisilbing ocular inspection ng mga guro at ang karaniwang ginagawa ay ang pagkukumpuni ng mga classroom at pag- iimbentaryo ng gamit gaya ng upuan, mesa, pisara at iba pang gamit.
“Ang Brigada Eskuwela ay ila-launch natin sa susunod na linggo at inaayos na po iyon,” ayon kay Densing.
Ang iba pang pagtingin na ginagawa noong pre-pandemic ay ipauubaya na lamang nila sa regional offices.
Katuwiran ni Densing, kapos na ang oras lalo na’t sa Agosto 22 na ang umpisa ang klase.
“Baka hindi na tayo magkakaroon (occular insoection) baka kulangin ang oras kaya hinayaan natin ang regional offices na gumawa ng protocol tungkol sa kung kailangan pa ng pagtingin o observation o mag-inspect ng mga school facilities,” dagdag ni Densing.
NOW AVAILABLE! DLL Quarte 2 Week 6 Click Here
🎉 Special NON-WORKING HOLIDAYS! for November and December 2024 Check it HERE.
0 Comments