Ad Code

FREE DOWNLOAD SECOND QUARTER EXAM in Filipino sa Piling Larangan Akademik School Year 2022-2023

FREE DOWNLOAD SECOND QUARTER EXAM in Filipino sa Piling Larangan Akademik School Year 2022-2023

👇👇👇Click the link below to DOWNLOAD FILE👇👇👇

FREE DOWNLOAD SECOND QUARTER EXAM in Filipino sa Piling Larangan Akademik School Year 2022-2023

What's inside the Filipino sa Piling Larangan Akademik  periodical exam?


SECOND QUARTER EXAM in Filipino sa Piling Larangan Akademik

School Year 2022-2023


Name: _______________________________________ Date:____________________

 

Grade &Section:_______________________________ Score:___________________

 

General Directions: Read the following questions thoroughly and choose the correct answer from the given choices. Write legibly the LETTER of your correct answer on the blank provided before each number.


______1. Aling hanay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap ang nagpapakita ng kronolohikal na organisasyon ng mga pahayag?

                 I. Naiwan kong tiwangwang ang mga tools dahil sa pagkabigla.

                 II. Habang nagkukumpuni ako ng motor, biglang nagliyab ang tangke ng langis.

                 III. Dahil sa narinig kong kalampag ng makina kahapon, naglaan na ako ng panahon           

                      ngayon upang baklasin ito.

                IV. Narinig kong muli ang masamang tunog nang magrebolusyon ako nang tatlong ulit.

                 A. III, IV, II & I                                            C. I, II, III & IV

                 B. III, I, IV & II                                            D. IV, III, I & II


______2. Alin ang hindi nabibilang sa diwa ng sumusunod na mga salita at nagpapahina sa organisasyon nito?

                 I. Siyensya                                                III. Politika

                 II. Pilosopiya                                             IV. Enerhiya

                 A. I & II                                                      C. III

                 B. I, II & IV                                                 D. IV


______3. Sumusulat ka ng isang piyesang pantalumpati na ilalahok mo sa isang timpalak. Bibigkasin ito sa harap ng iyong mga katunggali. Paano mo ipamamalas ang pagiging malikhain sa pagpapakita ng pinakamasidhing agresyon ng pagpapakilala ng iyong sarili nang hindi napipinsala ang iyong persona bilang isang maginoong kalahok?

               A. Ako’y walang nais na masama sa aking kapwa mananalumpati. Ikinagagalak ko na 

                    kayo’y makatunggali.

               B. Nakatayo ngayon sa inyong harapan ang mag-uuwi ng karangalan!

               C. Akala ko’y nasa peryaan ako. Marami kasing unggoy sa paligid ko.

               D. Bakit pa kayo dumalo kung naririto na ako?


______4. Alin sa mga sumusunod na salitang naglalarawan ang angkop na gamitin sa pangungusap upang ipakita ang pagiging malikhain ng manunulat.

“Kung __________ ko ang salapi sa layaw, parusahan mo ako.”

                A. Ginasta                                     C. Sinayang

                B. Ginugol                                     D. Winaldas


______5. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang higit na kapani-paniwala?

                A. Sabi sa balita, tumataas daw ang kaso ng biktima ng Covid-19. Sinang-ayunan       

                    naman ito ng mga kapitan at tanod sa mga barangay kaya’t pinaghahanda na ang 

                    publiko sa posibleng lock down.

                B. Ayon kay Enriquez (2021), ipinahayag ng WHO na hindi tataas ang bilang ng mga 

                    nagkakasakit kung sumusunod ang mga mamamayan sa pagsusuot ng face shield.

                C. Mababasa sa trending ngayon sa social media na hindi naman na kailangan ang face   

                    shield o obligahin ang tao na magsuot nito.

                D. Isang nurse ngayon ang nasawi dahil sa pagkahawa sa Covid-19 kaya’t paghandaan 

                    ang mas mahigpit na lock down.

______6. Ikaw ay nahilingang magbigay ng talumpati ukol sa pagpapatuloy ng online class sa bansa. Alin sa sumusunod na hakbang ang una mong gagawin?

                A. Pagbuo ng pangunahing kaisipan ng paksang tatalakayin.

                B. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin.

                C. Pagpili ng naaangkop na istilong gagamitin sa pagsulat at pagbigkas ng talumpati

                D. Paghihimay-himay sa mahahalagang detalyeng bibigyang pansin upang maging  

                    komprehensibo ang talumpati


______7. Pagsunod-sunorin ang mga pahayag sa baba upang makabuo ng isang organisadong talata.

                I. Hindi maikakailang nagdulot ng matinding suliranin sa ating lahat ang COVID-19.

                II. Naniniwala ako na kahit anong hirap ng sitwasyon natin, marami namang paraan  

                   upang matugunan ang kanilang pag-aaral.

                III. Lahat tayo ay nahihirapan sa kasalukuyang sitwasyon ngunit ang pag-aaral at 

                     pagkatuto ng mga bata ay hindi dapat ipagsawalang bahala.

                IV. Kailangan lamang magtulungan ang bawat isa upang mapagtagumpayan ang  

                     hamong hatid ng pandemya lalong-lalo na sa larangan ng edukasyon.

                A. I, II, III, IV                                        C. I, III, IV, II

                B. I, III, II, IV                                        D. I, II, IV, III


______8. Ang iyong pangkat ay kolaboratibong magsusulat ng isang halimbawa ng akademikong sulatin. Malaya kayong pumili ng paksa ngunit ang sulatin ay dapat na maging kapani-paniwala. Alin sa sumusunod na pahayag ang inyong gagamitin bilang batayan o sanggunian upang mapatunayang kapani-paniwala ang bubuoing sulatin?

                A. Nag-viral na video ng isang vlogger ukol sa pamimigay niya ng tulong sa mga 

                     mahihirap.

                B. Nagbigay ng opinyon ang ilang kilalang celebrities ukol sa kalagayan ng ekonomiya 

                    sa bansa.

                C. Naging usap-usapan sa social media ang napipintong limited face to face classes sa 

                     ilang piling probinsya sa bansa.

                D. Napatunayan sa isang pananaliksik na ang pangunahing suliranin ng mga guro sa         

                    Araling Panlipunan gamit ang Filipino bilang wikang panturo ay ang kakulangan ng 

                    kanilang pagdalo sa mga seminar at kakulangan ng mga makabagong kagamitan sa 

                    pagtuturo.


______9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkamalikhain sa pagsulat ng panimula ng replektibong sanaysay?

                A. “Kailan kaya tayo makakalaya sa tanikalang ito ng pandemya?”

                B. “Ang pandemyang ito ay nagdulot ng napakalaking epekto sa pamumuhay nating 

                      lahat.”

                C. “Kumusta ang buhay ninyo sa loob ng mahigit isang taong tayo ay nasa gitna ng   

                      pandemya?”

                D. “Ang paksang aking tatakayin ay tungkol sa isang karanasang di malilimutan sa 

                     panahon ng pandemya.”


______10. Ito ay itinuturing na isang mahalagang libangang isinasagawa ng marami na kung saan pupunta sa isang lugar__________. 

                  A.Pagsasadula                                            C.Pag-aawit 

                  B.Paglalakbay                                              D.Pagsasayaw 


______11. Ito ay sang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa__________.                     

                  A.Sanaysay                                                 C.Nobela                               

                  B.Talumpati                                                  D.Maikling kuwento 


______12. Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga karanasan sa paglalakbay. 

                  A.Sanaysay                                                 C.Lakbay-sanaysay

                  B.Nobela                                                      D.Paggawa ng iskrip 


______13. Ang taong susulat ng lakbay-sanaysay ay dapat may mga sumusunod na gamit maliban sa isa___________. 

                  A. Panulat                                                    C. Kamera

                  B. Dyornal                                                    D.Radyo 


______14. Ang mga sumusunod ay konsepto ng sanaylakbay maliban sa isa__________.    

                  A.Pasalaysay                                               C.Sanaysay

                  B.Sanay                                                        D.Lakbay 


______15. Ang paggawa nito ay maituturing na isang libangan at gayundin naman ay maaaring pagkakitaan. 

                  A. Travelogue                                               C. Travel blog

                  B. Blog                                                          D. Tour 


______16. Isa sa mga dapat taglayin sa pagsulat ng lakbay-sanaysay na kung saan nilalagyan ng maikling deskripsyon. 

                  A.Dyornal                                                      C.Larawan

                  B.Sanaysay                                                   D.Blog 


______17. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ay dapat maging _______ sa paglalatag ng mga impormasyon. 

                  A.Obhetibo                                                    C.Malinaw 

                  B.Organisado                                                D.Malaman 


______18. Ang mga kasanayan sa paggamit ng wika sa pagsulat ng sanaysay maliban sa isa___. 

                  A.Malinaw                                                      C.Organisado

                  B. Malaman/Obhetibo                                    D.Walang bisa 


______19. Ang mga sumusunod ay mga dahilan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay maliban sa isa _____. 

                 A. Itaguyod ang isang lugar                            C. Maidokumento ang kasaysayan

                 B.Pansariling kasaysayan                               D.Kawilihan lamang


______20. Isang tekstong binibigkas sa harap ng maraming tao.

                  A. Posisyong Papel                                       C. Talumpati

                  B. Katitikan ng Pulong D. Tula


______21. Nagpapahayag ng mga katangian batay sa limang pandama: paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at panalat.

                  A. Pangangatwiran                                       C. Paglalahad

                  B. Paglalarawan                                           D. Pagsasalaysay


______22. Sumasagot sa mga tanong na sino, ano, bakit, saan, kailan at paano.

                  A. Pangangatwiran                                       C. Paglalahad

                  B. Paglalarawan                                           D. Pagsasalaysay


______23. Binubuo ito ng mga matitibay na argumento o mga dahilan upang sumang-ayon ang tagapakinig.

                  A. Pangangatwiran                                      C. Paglalahad

                  B. Paglalarawan                                          D. Pagsasalaysay

______24. Nagkukuwento ng mga pangyayaring ugnay-ugnay at may karakterisasyon.

                  A. Pangangatwiran                                     C. Paglalahad

                  B. Paglalarawan                                          D. Pagsasalaysay


______25. Dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon.

                  A. Talumpati                                               C. Sanaysay

                  B. Posisyong Papel                                    D. Katitikan ng Pulong


______26. Isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinusuri ang naging epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat.

                  A. Lakbay Sanaysay                                  C. Posisyong Papel

                  B. Replektibong Sanaysay                         D. Katitikan ng Pulong


______27. Isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o kaisipan ng isang manunulat kaugnay ng kanyang nakikita o naoobserbahan.

                  A. Sanaysay                                              C. Replektibong Sanaysay

                  B. Lakbay Sanaysay                                  D. Personal na Sanaysay

______28. Isang akademikong teksto na nagsasalaysay at naglalarawan ng mga karanasan ng may-akda sa pinuntahang lugar, nakasalamuhang tao at pagkain at maging ang kanyang mga naisip o napagtantong ideya.

                 A. Personal na Sanaysay                          C. Lakbay Sanaysay

                 B. Patalinhagang Sanaysay                      D. Replektibong Sanaysay


______29. Uri ng sanaysay na tungkol sa mga kasabihan o sawikain.

                  A. Lakbay Sanaysay                                C. Kritikal na Sanaysay

                  B. Personal na Sanaysay                         D. Patalinhagang Sanaysay


______30. Uri ng sanaysay na tungkol sa mga nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o naoobserbahan ng tao.

                  A. Personal na Sanaysay                        C. Replektibong Sanaysay

                  B. Patalinhagang Sanaysay                    D. Kritikal na Sanaysay


______31. Uring sanaysay na tungkol sa mga naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserban.

                  A. Patalinhagang Sanaysay                    C. Kritikal na Sanaysay

                  B. Lakbay Sanaysay                                D. Replektibong Sanaysay


______32. Isang uri ng buod na karaniwang makikita sa unang bahagi ng isang papel-pananaliksik.

                  A. Konklusyon                                         C. Lagom

                  B. Abstrak                                               D. Buod


______33. Ang tawag sa paggamit ng wika sa mas matataas na diskurso partikular sa akademya.

                  A. Imahinasyon                                       C. Higher Thinking Skills

                  B. Intelektwalisasyon                              D. Common Sense


______34. Ano ang pagkakapareho ng buod at abstrak?

                  A. Parehong maiksi                                C. Nagsusuma ng akademikong sulatin

                  B. May iisang talata lamang                   D. Binubuo ng 200-300 salita


______35. Alin sa mga sumusnod na kurso ang HINDI nabibilang sa Agham Panlipunan?

                  A. Panitikan                                            C. Arkeolohiya

                  B. Sikolohiya                                           D. Ekonomiks


______36. Alin sa mga sumusunod na kurso ang nabibilang sa Humanidades?

                  A. Linggwistiks                                      C. Heograpiya

                  B. Biolohiya                                           D. Sosyolohiya


______37. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang makikita sa katawang bahagi ng katitikan ng pulong?

                  A. Mga dumalo                                      C. Lugar ng pulong

                  B. Oras ng pagsisimula ng pulong        D. Ikatlong agenda


______38. Alin sa mga sumusunod ang hindi nararapat na ilagay sa unang pahina ng katitikan ng pulong?

                  A. Oras ng pagtatapos ng pulong         C. Pangalan ng organisasyon

                  B. Lugar ng pulong                                D. Mga dumalo


______39. Alin sa sumusunod ang hindi kailangan habang kumukuha ng tala para sa gagawing katitikan ng pulong?

                  A. Audio recorder                                  C. Bolpen at papel

                  B. Katitikan ng nakaraang pulong         D. Mga dadalo


______40. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalahad?

                  A. Pulang-pula ang labi ng babae.        C. May dugong Hapones ang babae.

                  B. Matangos ang ilong ng babae.          D. Makinis ang balat ng babae.


______41. Ano ang pagkakatulad ng paglalarawan at pagsasalaysay?

                  A. Hindi maaaring gamitin sa talumpati.

                  B. Gamitin bilang mga ebidensya sa argumento.

                  C. Hindi maaaring gamitin sa posisyong papel.

                  D. Ginagamit sa pagkukwento ng mga pangyayari.


______42. Alin sa sumusunod ang maaaring gamiting matibay na ebidensya para sa argumento?

                  A. Sariling paniniwala                          C. Sariling karanasan

                  B. Balitang napanood                          D. Narinig na kwento


______43. Alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI nangangatwiran?

                  A. Dapat wakasan na ang korapsyon sa bansa.

                  B. Ano ang iyong opinyon tungkol sa korapsyon?

                  C. Hindi talaga mawakasan ang korapsyon sa bansa.

                  D. Mahalagang wakasan ang korapsyon para umunlad ang bansa.


______44. Ano ang pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel?

                  A. Ang talumpati ay isinulat upang bigkasin samantalang ang posisyong papel ay 

                       isinulat upang basahin lamang.

                  B. Ang talumpati ay gumagamit ng pagsasalaysay habang ang posisyong papel ay

                       gumagamit naman ng pangangatwiran.

                  C. Ang talumpati ay dapat makahikayat, pero ang posisyong papel ay dapat 

                       maglarawan ng isang partikular na isyu.

                  D. Ang talumpati ay maiksi lamang samantalang ang posisyong papel ay mahaba.


______45. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kaugnay ng ekonomiks na nakaugat sa lipunang Pilipino?

                 A. Pagbibigay ng pasa load                        C. Pamimili ng prutas

                 B. Panonood ng mga telenobela                 D. Pagmamano sa mga nakatatanda


______46. Saang mga disiplina nabibilang ang pag-aaral na may pamagat na “Wika, Astronomiya, Kultura: Kulturang Pilipino sa mga Katawagang Astronomiko”?

                  A. Agham at Agham Panlipunan               C. Agham Panlipunan at Humanidades

                 B. Agham at Humanidades                        D. Agham at Arkeolohiya


______47. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng talumpati?

                  A. “Kanlungan”                                          C. “Bakit Ako Naging Manunulat”

                  B. “Solo sa Oslo”                                       D. “Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal”


______48. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng replektibong sanaysay?

                  A. “Dangal at Parangal”

                  B. “Hindi Ngayon ang Panahon”

                  C. “Mga Pagsasanay sa Paggalugad sa Siyudad”

                  D. “Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari”


______49. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng posisyong papel?

                  A. “Mamamayan ng Mindanao Nangangalampag sa Maynila”

                  B. “Matagal nang Patay ang Babae: Bawal sa Panitikang Bayan”

                  C. “Pagtatanggol sa Wikang Filipino, Tungkulin ng Bawat Lasalyano”

                  D. “Isang Panimulang Pagsusuri sa mga Liham Pasasalamat ng mga Deboto”


______50. Ano ang pinatutunayan ng paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplinang pang-akademya?

                  A. Pambansang wika ang wikang Filipino

                  B. Filipino ang mainam gamitin sa iba’t ibang disiplina

                  C. Intelektwalisado na ang wikang Filipino

                  D. Marami na ang nakakaunawa ng wikang Filipino


______51. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng konklusyon?

                  A. Tunay ngang mayaman ang festival bilang pagkukunan ng mahahalagang

                       impormasyon bilang daluyan ng kultura at identidad ng anumang wika, lahi at

                       kultura.

                  B. Ang pag-aaral ay isang pangunahin o eksploratoryong pag-aaral sa ugnayan ng 

                       wika at ang mga tradisyon/pamamaraan ng paggamot o medisina.

                  C. Marapat lamang sundan, hamak man, ang mga katangi-tanging pinasimulan ng                  

                       mga Pilipino propesor na gumamit ng wikang Filipino bilang instrumento sa 

                       pagsusuri.

                  D. Hanggang ngayon, ang debate at kontrobersiya sa wika ay umiikot pa rin sa 

                       konsepto ng Filipino bilang isang pambansang wika, o wika ng pagtuturo.


______52. “Nais ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng wikang Filipino upang lalong mapabilis ang intelektwalisasyon nito.” Anong bahagi ng papel pananaliksik ang isinasaad sa itaas na hango kay Tereso Tullao, Jr.?

                   A. Layunin                                              C. Interpretasyon ng Datos

                   B. Rekomendayson                                D. Daloy ng Pag-aaral


______53. Batay sa Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad, “Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito.” Ano ang pangunahing argumento sa nasabing pahayag?

                  A. Pagtakwil sa dayuhang wika              C. Pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo

                  B. Pagkilala ng sariling wika                   D. Intelektwalisasyon ng wika


______54. Batay sa binigkas na talumpati ni Dr. Bienvenido Lumbera sa 2009 Carlos Palanca Awards Night, “Ano ba ang naging batayan sa pagpaparangal sa nagwaging likha? Galing sa akademya ang karaniwang hinihirang na hurado, kaya’t ang mga propesor at manunulat ay naghahanap ng mga katangiang kinikilala sa unibersidad at kolehiyo bilang makabuluhan at makasining.” Ano ang mahihinuha sa mga pahayag na ito tungkol sa pagpili ng mga paparangalang likha?

                    A. Mga mahuhusay at tanyag na propesor ang pumipili ng mga mananalo.

                    B. Kinikilala at batikang mga manunulat ang nagdedesisyon sa mananalo.

                    C. Mataas na uri ng sining at pagpapahalaga sa lipunan ang pinipiling mananalo.

                    D. Galing sa akademya ang karaniwang hinihirang na hurado.

ANSWER KEY -DOWNLOAD
TABLE OF SPECIFICATION-DOWNLOAD

Post a Comment

0 Comments

Close Menu

NOW AVAILABLE! DLL Quarte 2 Week 6 Click Here

×