SECOND PERIODICAL TEST IN ARALING PANLIPUNAN 8
NAME: ____________________________ GR.& SEC._________ SCORE:________
Panuto: Piliin lamang ang letra ng tamang sagot. Isulat sa patlang ang sagot.
_____1.Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa polis bilang isang lungsod-estado?
A. Ang polis ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan binibigyang-diin ang
demokrasya.
B. Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro sa isang lungsod.
C. May iba’t ibang uring panlipunan ang isang polis at nahahati ito sa iba-ibang yunit ng
pamahalaan.
D. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa polis.
_____2. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa pag-unlad ng kabihasnan sa islang ito?
I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang maging ligtas ang isla sa mga mananakop
II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa, at Asya ang isla ng Crete
III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil nakahiwalay ito sa Europe.
IV. Naimpluwensiyahan ng mga sinaunang kabihasnan ng Africa at Asya ang Kabihasnang Minoan
A. I at II C. II at IV
B. II at III D. I, II, at III
_____3. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
“ Our constitution is called democracy because power is in the hands not of a minority
but of the whole people. When it is a question of settling private disputes, everyone is equal
before the law.”
A. Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang demokrasya
B. Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa
C. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang pamahalaang demokrasya
D. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin laban sa pamahalaan
_____4. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?
A. Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan.
B. Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
C. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
D. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.
_____5. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estado na ang bawat isa ay
malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng hiwa-hiwalay ng lungsod-estado?
A. Iba’t iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan sa Greece.
B. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng Europe na isang
mabundok na lugar.
C. Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maraming mangangalakal sa
bawat lungsod-estado.
D. Iba’t iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba’t ibang kabihasnan ang umusbong dito.
_____6.Pangkat ng tao mula sa Asya Manor na sinasabing lubos na
nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga Romano.
A. Babylonian C. Phoenician
B. Mesopotamian D. Etruscan
_____7. Sila ang mga karaniwang tao
A. Plebeians C. Urban poor
B. Patricians D. Elite
_____8. Bumubuo ng 300 konseho ng mga patricians.
A. Mababang Kapulungan C. Punong-lungsod
B. Senado D. Kagawaran
_____9. Unang talaan ng mga nakasulat na batas ng mga Romano
A. Kodigo ni Hamurabbi C. Twelve Tables
B. Konstitusyon D. Sampung Utos
_____10. Ang mga digmaang Punic ay naganap sa pagitan ng Roma at ng____.
A. Sicily C. Sardinia
B. Corsica D. Carthage
_____11. Isang dakilang Heneral na Carthaginian.
A. Hannibal C. Sargon
B. Attila D. Darius
_____12. Ang pamilyang nagsagawa ng mga reporma upang sagipin ang humihinang Republika.
A. Tiberius C. Gracchus
B. Caesar D. Julian
_____13. Ang namuno sa pag-aalsa ng mga alipin noong 73 BC.
A. Spartacus C. Moses
B. David D. Abraham
_____14. Kinilala bilang Augustus.
A. Mark Anthony C. Lepidus
B. Brutus D. Octavian
_____15. Lumaganap ito sa Roma noong Pax Romana.
A. kapayapaan C. digmaan
B. demokrasya D. pananakop
_____16. Ito ang pinakamainit at pinakamaulang bahagi ng Africa ay yaon malapit
sa_______.
A Prime Meridian C. tropic of cancer
B. Equator D. tropic of Capricorn
_____17. Ang tawag sa kalakalang umunlad sa pagitan ng Hilagang Africa at kanlurang Sudan.
A. kalakalang Trans-Sahara C. kalakalang Ehipto
B. kalakalang Muslim D. Kalakalang Europeo
_____18. Ano ang tawag sa lugar sa disyerto na may matabang lupa at tubig ?
A. Ilog C. oasis
B. lawa D. talon
_____19. Anong kontinente ang tinawag na dark continent?
A. Asia C. Africa
B. Australia D. Europe
_____20. Nagkaroon sa imperyong Ghana ng malaking pamilihan ng mga produkto. Alin ang hindi
kasama sa kanilang produkto?
A. ginto C. ostrich
B. ebony D. asin
_____21. Ang tatlong imperyong sa kanlurang Africa. Alin ang hindi kasali?
A. Songhai C. Mali
B. Axum D. Ghana
_____22. Siya ay isa sa mga pinuno ng imperyong Mali.
A. Mansa Musa C. Sunni Ali
B. Alexander the Great D. Julius Caesar
_____23. Sino ang lider ng imperyong Mali na umakyat ang imperyo sa kapangyarihan?
A. Chulalongkorn C. Mansa Musa
B. Sundieta Kieta D. Al-Bakri
_____24. Sila ang nagpakilala ng relihiyong Islam sa imperyong Songhai.
A. Babor C. Berber
B. Songhai D. Romano
_____25. Ito ay tawag sa malawak na damuhan o grassland na may mga puno.
A. disyerto C. steppe
B. savanna D. rainforest
_____26. Alin sa mga kabihasnan ng America ang umusbong noong panahong Pre-historic?
Mga Kabihasnan sa America
1200-500 200-700 250-900 900-1100 1200-1521 1300-1525
BCE CE CE CE CE CE
Olmec Teotihuacan Maya Toltec Aztec Inca
A. Olmec C. Aztec
B. Maya D. Inca
_____27. Alin sa mga sumusunod na kabihasnan ng America ang namayani sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala?
A. Olmec C. Aztec
B. Maya D. Inca
_____28. Ano ang pinaniniwalaang dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Maya?
A. Ang pagkasira ng kalikasan C. Patuloy na digmaan
B. Paglaki ng populasyon D. Lahat ay ang mga dahilan
_____29. Sila ay mga nomadikong tribo na ang orihinal na pinagmulan ay hindi tukoy.
A. Olmec C. Aztec
B. Maya D. Inca
_____30. Paano nagkakatulad ang mga Pilipino at mga Inca?
A. Sila ay parehong may pinagmulan na kabihasnan.
B. Sila ay may sariling kultura.
C. Sila ay parehong sinakop ng mga Espanyol.
D. Sila ay may parehong paniniwala.
_____31. Layunin ng arkitektura ng mga Greek na parangalan ang mga diyos. Isa sa
pinakamagandang gusali na kanilang ipinatayo ay ang mga templo. Alin sa mga
sumusunod ang isa sa mga tinutukoy dito?
A. Taj Mahal C. Hanging Gardens
B. Parthenon D. Pyramid
_____32. Ang drama ay isang uri ng palabas sa entablado. Ito ay bahagi ng ritwal sa mga pista alay
kay Dionysus, ang Diyos ng Alak. Anong uri ng drama ang karaniwang ukol sa politika na
inilalahad ng nakatatawang pamamaraan?
A. Teleserye C. comedy
B. tragedy D. teatro
_____33. Kung Hippocrates ay kinikilalang “Ama ng Medisina”, sino naman si Herodotus?
A. Ama ng Anatomy C. Ama ng Evolution
B. Ama ng Physiology D. Ama ng Kasaysayan
_____34. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa tatlong pinakamagaling na pilosopong
Griyego?
A. Socrates C. Aristotle
B. Pythagoras D. Plato
_____35.Sa anong larangan o sistema ng pamumuhay magkakatulad ang Ghana, Mali, Songhai?
A. kalakalan C. pangingisda
B. pagsasaka D. pagtatanim
_____36. Ang mga Romano ay kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas noong sinaunang
panahon. Anong pinakamahalagang batas ang naisagawa nila na naging batayan ng
mga mamamayan sa kanilang mga karapatan at pamamaraan sa lipunan?
A. Batas ng Twelve Tables C. Batas Jones
B. Batas Militar D. Batas ni Hamurrabi
_____37. Ang gladiator ay ang pinakalibangan ng mga Romano at ito ay ginanap sa isang
amphitheatre na tinatawag na ______________.
A. Basilica C. Colosseum
B. Aqueduct D. Appian Way
_____38. Siya ang tinaguriang “Ama ng Medisina.”
A. Heophilus C. Pytagoras
B. Hippocrates D. Aristotle
_____39. Ang gawain na paglililok sa kahoy ng iba't-ibang disenyo ng mga bulaklak at hayop at
mga disenyong heometrikal ay gawa ng mga anong mga grupo ng tao?
A. Melanesian C. Micronesian
B. Polynesian D. Austronesian
_____40. Ang panitikang Rome ay salin lamang sa mga tula at dula ng ________.
A. Spartan C. Carthage
B. Polis D. Greece
_____41. Ito ay nag-uugat sa paghati-hati ng Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum.
A. Piyudalismo C. Sosyalismo
B. Manoryalismo D. Pasismo
_____42. Ito ay isang seremonya kung saan inilagay ng vassal ang kanyang kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako na siya ay magiging tapat na tauhan nito.
A. oath of fealthy C. fief
B. Homage D. Pangako
_____43. Siya ang nagmamay-ari ng lahat ng lupain sa Panahong Medieval.
A. Baron C. Pari
B. Knight D. Hari
_____44. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period.
A. Kabalyero C. Baron
B. Mga Pari D. Mga Serf (Alipin)
_____45. Ang isang ___________ ay binubuo ng maraming manor na nakahiwalay sa isat-isa.
A. Lupa C. Fief
B. Simbahan D. Manor
_____46. Isang banal na digmaan na inilunsad ng Simbahang Kristiyanismo laban sa mga Turkong
Muslim na sumakop sa Jerusalem.
A. Kabalyerismo C. Piyudalismo
B. Krusada D. Manoryalismo
_____47. Ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko ay ang:
A. Obispo C. Papa
B. Hari D. Arsobispo
_____48. Si Jesus ay kinikilala ng mga Kristiyano na:
A. Propeta C. Messiah
B. Hari ng Hudyo D. Apostole
_____49. Ang Papa na naghimok sa mga kabalyero na maging krusador ay si:
A. Pope Leo I C. Papa Innocent I
B. Papa Urban II D. Papa Gregory VII
_____50. Ang Krusada ay masasabing bigo ngunit ang magandang naidulot nito sa Kristiyanismo
ay;
A. ang paglakas ng kapangyarihan ng Simbahan
B. ang pag-unlad ng kultura ng Simbahan
C. ang pagsama ng mga Hari sa Europa sa krusada
D. ang pagkilala sa Kristiyanismo sa buong mundo
_____51. Ito ay isang samahan ng mga teritoryo sa Gitnang Europe noong Panahong Medieval.
A. Imperyong Romano C. Imperyong Muslim
B. Imperyong Graeco-Romano D. Holy Roman Empire
_____52. Ang pinakamahalagang tungkulin ng mga monghe sa loob ng monasteryo noong Gitnang
Panahon ng Europe.
A. Pagdarasal sa loob ng monasteryo
B. Nag-iingat sa mga karunungang klasikal ng Griyego Romano
C. Nagtatanim at nagdidilig ng mga halaman sa loob ng monasteryo
D. Nagpapalaganap ng relihiyosong Kristiyanismo
_____53. Siya ay hinirang bilang “Emperor of the Holy Roman Empire”
A. Pepin II C. Charlemagne
B. Clovis D. Louis the Religious
_____54. Ang lipunan sa Gitnang Panahon ng Europe sa pag-iral ng piyudalismo at manoryalismo
ay binubuo ng
A. pari, kabalyero, alipin C. pari, karaniwang mamamayan, alipin
B. panginoong piyudal, alipin, pari D. wala sa nabanggit
_____55. Siya ang kauna-unahang nahirang na hari ng France.
A. Clovis C. Pepin the Short
B. Charlemagne D. Pepin II
_____56. Ang mga sumusunod na lugar ay nasakop ni Charlemagne sa panahon ng kanyang pamumuno, maliban sa
A. Lombard C. Muslim
B. Saxon D. Jerusalem
_____57. Ang county ay pinamumunuan ng isang ___________
A. Konde C. Papa
B. Emperador D. Maharlika
_____58. Ito ay isang institusyon na lumakas sa Gitnang Panahon na
pinamumunuan ng Papa.
A. Paaralan C. Pamilya
B. Pamahalaan D. Simbahan
_____59. Ang _______ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban
sa mga Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem.
A. Krusada C. County
B. Holy Roman Empire D. Patricius Romano
_____60. Ang sistemang pyiudalismo at manoryalismo ay parehong nakatuon sa pagmamay-ari
ng __________.
A. Mineral C. Salapi
B. Lupa D. Kalikasan
NOW AVAILABLE! DLL Quarte 2 Week 6 Click Here
🎉 Special NON-WORKING HOLIDAYS! for November and December 2024 Check it HERE.
0 Comments