SECOND PERIODICAL TEST IN ARALING PANLIPUNAN 9
NAME: ____________________________ GR.& SEC._________ SCORE:________
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sa sagot sa kwaderno.
_____1. Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag aaral ng microeconomics ay ang konsepto
ng demand na idinidikta o nagmumula sa mga konsyumer. Alin sa sumusunod ang tamang
pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?
A. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng iang
konsyumer.
B. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa(willing) at kayang(able) bilhin ng mga
konsyumer sa ibat ibang halaga o presyo.
C.Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang
konsyumer ay makkabili ng lahat ng kanilang pangangailangan.
D.Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng produser sa ibat
ibang presyo.
_____2. Ito ay ang bayad sa isang tao dahil sa pagbibigay ng serbisyo.
A. Kita C. panlasa
B. sahod D. demand
_____3. Ito ay salik na nakakaapekto sa Demand. Ito ay sa kadahilang ang dami ng bumibili sa isang produkto.
A. Bandwagon C. Panlasa
B.Presyo D. Kita
_____4.Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa
ibat ibang presyo sa ibat ibang panahon.
A. demand C. presyo
B. supply D. demand schedule
_____5. Sa ekonomiks, pinag aaral kung papaano matugunan ang walang katapusang
pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser na handa at kayang
ipagbili ng mga prodyuser.
A. demand C.produksiyon
B. ekwilibriyo D.supply
_____6. Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas, pababa, at pakanan o downward
sloping, ito ay nagpapahiwatig ng_____?
A. walang kaugnayan ang demand sa presyo.
B. hindi nagbabago ang presyo ayon sa dami ng demand
C. negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand.
D. positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand.
_____7. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan.
Alin sa sumusunod ang nagpapahiwatig nito?
A. panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid
B. pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga
bilihin
C. pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga ng karapatan ng mga konsyumer.
D. patuloy na paghihikayat sa mga maliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo.
_____8. Ito ay nagsasaad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa pagitan ng presyo at at quantity demanded.
A. batas ng demand C. ekonomiks
B. demand D.kurba
_____9. Isa sa mga salik na nakaaapekto sa demand ay ang ______ . Ito ay mga produktong magkaroon ng alternatibo.
A. substitute C. panlasa
B. demand D. complementary
_____10.Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng
prodyuser ang isang uri ng produkto. Halimbawa,may 30,000 lata ng sardinas ang
kailangan ng pamilihan. Ayon sa datos, mayroong 10 kompanya ng sardinas ngunit sa
bilang na ito, 6 lamang ang nais gumawa ng kabuuang 20,000 lata ng sardinas kung
ipagbibili ito sa presyong Php10.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng
sardinas.
A. 6 C. 20,000
B. 10 D. 30,000
_____11. Ito ay mga produktong magkasabay o magkasamang kinukonsumo.
A. Complementary goods C. Normal goods
B. Inferior goods D. Substitute goods
_____12. Tawag sa salaping tinatanggap ng mga manggagawa kapalit ng serbisyo o pagtatrabaho.
A. Kita C. Incentives
B. Utang D. Bunos
_____13. Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at hindi na
makatarungan para sa mga konsyumer dahil sa mapang-abusong gawi ng mga may-ari ng
prodyuser, gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang matugunan ito. Nakikialam ang
pamahalaan sa pagpepresyo sa pamilihan. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng
pinakamataas na presyo ng mga produkto o serbisyo?
A. price ceiling C. market clearing price
B. floor prices D. price support
_____14 Alin ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak na rosas sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso?
A. Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa rosas kaya lumilipat ang
kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo nito.
B. Dahil sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, nagkakasundo na ang mga konsyumer at
prodyuser na itaas ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.
C. Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas tuwing sasapit ang Araw ng
mga Puso sapagkat hindi matatawaran ang kasiyahang natatamo ng mga konsyumer sa
pagbibigay ng rosas sa kanilang mga mahal sa buhay.
D. Tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, itinatago ng mga prodyuser ang panindang
bulaklak upang lalong tumaas ang presyo nito.
_____15. Tawag sa mga produkto o serbisyo na dumadami sa pamilihan dahil sa pagtaas ng kita.
A. Complementary goods C. Normal goods
B. Inferior goods D. Substitute goods
_____16. Ito naman ang tawag sa mga produkto o serbisyo na tumataas ang demand kasabay sa
pagbaba ng kita
A. bandwagon efffect C. Normal goods
B. Inferior goods D. Substitute goods
_____17. Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon sa iyong panlasa, maaring tumaas ang
demand nito. Anong salik ang nakakaapekto sa demand ang tinutukoy?
A. Dami ng mamimili C. Presyo ng magkaugnay na produkto
B. Kita D. Panlasa
_____18. Tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na bumili ng isang produkto o serbisyo.
A. Demand curve C. Demand
B. Supply D. Supply curve
_____19. Isa sa mga salik na nakakaapekto sa demand ay . Ito ay mga produktong maaring magkaroon ng alternatibo.
A. Complementary goods C. Normal goods
B. Inferior goods D. Substitute goods
_____20 Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto, nahihikayat kang bumili nito kaya tumaas ang
demand ng nasabing produkto. Ang tinutukoy na salik na nakakaapekto sa demand ay
A. Panlasa C. Kita
B. Dami ngmamimili D. Presyo ng magkaugnay na produkto
_____21. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?
B. Supply C. Ekwilibriyo
C. Produksiyon D. Demand
_____22. Ito ay nagsasaad na mayroong direkta o positibong ugnayan ng presyo at ang quantity
supplied ng isang produkto?
A. Batas ng Demand C. Kita
B. Batas ng Supply D. Presyo
_____23. Ito ay matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity supplied.
A. Supply Function C. Demand Function
B. Supply Schedule D. Supply Curve
_____24. Ang tumatayong dependent variable sa equation ng supply function.
A. Presyo C. Quantity demanded
B. Quantity supplied D. wala sa nabanggit
_____25. Ano ang tawag sa grapikong paglalarawan sa ugnayan ng presyo at quantity supplied?
A. Supply function C. Demand curve
B. Supply curve D. Demand function
_____26. Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser
sa iba’t ibang presyo.
A. Supply schedule C. Supply function
B. Supply Curve D. Demand schedule
_____27. Gamit ang supply function na Qs = 0+ 5P, ilan ang quantity supplied kung ang presyo ay
Php2.00?
A. 2 C. 6
B. 10 D. 12
_____28. Sa Batas ng supply, ano ang mangyayari sa quantity supplied kapag tumaas ang presyo
ng isang produkto?
A. Bababa C. Tataas
B. Lilipat sa kaliwa ang kurba D. Walang pagbabago
_____29. Sa supply function na Qs = -!00 + 20 P, magkano ang presyo ng bawat produkto kung ang
quantity supplied ay 100?
A. Php 1.00 C. Php 20.00
B. Php 10.00 D. Php 30.00
_____30. Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang kombinasyon ang mga presyo at quantity supplied,
ano ang mabubuo?
A. Supply curve C. Supply function
B. Demand Curve D. Demand function
_____31. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa salik na nakaaapekto sa supply?
A. Presyo C. Paggawa
B. Teknolohiya D. Subsidya
_____32. Isang kondisyon sa pamilihan na kung saan tinatago ng mga negosyante ang produkto
upang maibenta ito sa mataas na presyo.
A. Scarcity C. Demand
B. Hoarding D. Kakulangan
_____33. Ang paggawa ng produkto ay nangangailangan ng iba’t ibang salik, alin sa sumusunod ang
hindi kabilang?
A. pag-aanunsyo C. Entrepreneurship
B. kapital D. lupa
_____34. Ano ang tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na kaya at handang ipagbili ng
nagtitinda sa iba’t ibang presyo sa takdang panahon?
A. Demand C. Supply
B. Batas ng Supply D. Kurba ng Supply
_____35. Kapag mataas sa 1 ang koepisyente, ito ay elastic, kapag mababa sa 1 ang koepisyente,
ito ay _______.
A. Unitary C. elastic na supply
B. di-elastik D. perfectly elastic
_____36. Isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o
serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo
ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan.
A. ekwilibriyong presyo C. ekwilibriyo
B. ekwilibriyong dami D. disekwilibriyo
_____37. Ang anumang sitwasyon o kalagayan na hindi pareho ang quantity demanded
at quantity supplied sa isang takdang presyo.
A. Ekwilibriyo C. disekwilibriyo
B. ekwilibriyong dami D. ekwilibriyong presyo
_____38. Ito ang napagkasunduang bilang ng produkto na nais ipagbili ng prodyuser at bilhin ng
konsyumer.
A. ekwilibriyo C. ekwilibriyong presyo
B. disekwilibriyo D. ekwilibriyong dami
_____39. Ang tawag sa presyong napagkasunduan ng konsyumer at prodyuser.
A. Ekwilibriyo C. ekwilibriyong presyo
B. disekwilibriyo D. ekwilibriyong dami
_____40. Ito ay kaganapan sa pamilihan kapag mas mababa ang ekwilibriyon presyo sa
umiiral na presyo.
A. surplus C. quantity demand
B. shortage D. quantity supply
_____41. Ito ang kaganapan sa pamilihan kapag mas mataas ang ekwilibriyong presyo
sa umiiral na presyo.
A. surplus C. quantity demand
B. shortage D. quantity supply
_____42. Bakit ang labis na suplay ay mag-uudyok sa mga bahay-kalakal nababaan ang presyo ng
produkto?
A. upang maingganyo ang mamimili na bumili ng kanilang produkto
B. upang maabot ang ekwilibriyong presyo
C. upang hindi masira ang produkto
D. upang magkaroon ng malaking tubo
_____43. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo pantay ang dami ng
quantity demand sa quantity supply. Sa kalagayang ito, ano ang implikasyon ng
pagkakaroon ng ekwilibriyo sapamilihan?
A. Sa presyong ekwilibriyo, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang
dami ng nais bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser.
B. Sa presyong ito, mas labis na supply sa pagkat maaring magtaas ng presyo ang mga
prodyuser upang tumaas ang kita.
C. Sa presyong ito, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas man ang
presyo, kaunti na lamang ang bibilhin ng mga konsyumer.
D. Sa presyong ito, hindi masaya ang konsyumer dahil ang labis na demand ay hindi
napupunan ng labis na supply.
_____44. Kapag nagkasundo ang mamimili at prodyuser. Ano ang tawag dito?
A. Ekwilibriyo sa pamilihan C. Ekwilibriyong presyo
B. Ekwilibriyong presyo D. Ekwilibriyo
_____45. Equilibrium Price ay;
A. Qd < Qs C. Qd = Qs
B. Qd > Qs D. Qd > P
_____46. Isang mekanismo, na ngayon ay itinuturing nang isang lugar ng interaksyon ng
mamimili at nagbebenta upang magtakda ng presyo at mapalitan ng produkto at serbisyo.
A. Ospital C. Pamahalaan
B. Pamilihan D. Mall
_____47.Pamilihang libo-libo ang mamimili at nagtitinda ng produkto
A. Perpektong Kompetisyon C. Monopolyo
B. Monopolistikong Kompetisyon D. Oligopolyo
_____48. Halaga ng isang produkto sa pera
A. Buwis C. Pamasahi
B. Presyo D. Bayad
_____49. Ang Kita ay:
A. Diperensya sa pagitan ng kabuuang benta at puhunan sa isang negosyo.
B Produktong hindi naipoprodyus nang sapat sa malayang pamilihan at
madalas na ipinagkakaloob ng pamahalaan.
C. Satispaksyon na nakukuha ng mga konsyumer mula sa pagkonsumo
nilan ng mga produkto at serbisyo.
D. Pinakamataas na halaga na nais ibayad ng mga mamimili para sa
partikyular na dami ng produkto.
_____50. Ang mga sumusunod ang mga dahilan kung bakit madaling pumasok sa pamilihang
may ganap na kompetisyon, MALIBAN sa ISA.
A. Walang malapit na kapalit ang produkto
B. Magkakatulad ang mga produkto
C. Marami ang konsyumer at tindera ng produkto
D. May kalayaan sa paglabas at pagpasok sa negosyo
_____51. Ano ang tawag sa batas upang mapangalagaan ang karapatan ng taong nagbibigay
ng kontribusyon sa kaalaman?
A. protection bill C. Intellectual Property Rights
B. Public Utility Rights D. Consumer Bill Act
_____52. Pamilihang may iilang suplayer o tagapagprodyus lamang:
A. Monopsonyo C. Monopolistikong kompetisyon
B. Monopolyo D. Oligopolyo
_____53. Ang industriyang may iisang prodyuser lamang ng produkto o serbisyo na walang malapit na kapalit at ang pagpasok ng mga potensyal na kakompetisyon ay lubhang mahirap:
A. Monopolyo C. Monopsonyo
B. Oligopolyo D. Monopolistikong kompetisyon
_____54. Ang uri ng kumpanya na karaniwang may monopolyo sa pamilihan ay:
A. taga-suplay ng kuryente. C. kumpanyang paliparan.
B. tagagawa ng kotse. D. malakihang establisimiyentong nagtitingi.
_____55. Ang SMART Communications ay isang
A. Monopolista C. Oligopolista
B. Monopsonista D. wala sa nabanggit
_____56. Ito ay tinatawag na maximum price policy o pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser ang kanyang produkto.
A. Price ceiling C. Minimum wage
B. Maximum price policy D. Shortage
_____57. Ito ay mungkahing tinging presyo ng mga produkto na itinatalaga ng pamahalaan.
A. DTI C. Suggested retail price
B. R.A 6602 D. Minimum Price policy
_____58. Ano ang tawag sa kakulangan ng produkto?
A. Price floor C. Price freeze
B. Shortage D. Price ceiling
_____59. Ito ay tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinatakda ng batas sa mga produkto at serbisyo.
A. Price floor C. Maximum Price policy
B. Minimum Price policy D. Price ceiling
_____60. Ang batas na nagtatakda ng minimum wage.
A. R.A 6602 C. SRP
B. Minimum Price Policy D. DTI
NOW AVAILABLE! DLL Quarte 2 Week 6 Click Here
🎉 Special NON-WORKING HOLIDAYS! for November and December 2024 Check it HERE.
0 Comments