SECOND PERIODICAL TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
NAME: ____________________________ GR.& SEC._________ SCORE:________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang.
_____1. Bakit sinasabing kawangis ng Diyos ang tao?
A. dahil sa kakayahan niyang makaalam at magpasya nang malaya
B. dahil kamukha niya ito
C. dahil ang tao ang nangangalaga sa lahat
D. dahil kinakain niya ang halaman at hayop
_____2. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon ng tao at hinuhubog ang kanyang personalidad. Anong sangkap ito ng tao?
A. Isip C. kamay at katawan
B. Puso D. ulo at paa
_____3. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
A. gumawa C. mag-isp
B. magpasya D. umunawa
_____4. Sinasabing ang tao ay natatanging nilalang. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaiba ng tao sa hayop at halaman?
A. Ang tao ay kumakain ang hayop ay hindi.
B. Ang tao ay may tirahan samantalang ang hayop at halaman ay wala
C. Ang tao ay may isip na marunong umunawa, puso na nagpapakita ng emosyon at kamay at
katawan na naglalapat ng ninanais gawin.
D. Ang tao ay nabubuhay ng mas matagal kaysa halaman at hayop.
_____5. Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa kasamaan; hindi nito kailanman magugustuhan ang mismong masama. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti.
B. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
C. Ang kilos-loob ay maaring pumili ng kasamaan.
D. Ang kilos-loob ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili
_____6. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag ay:
A. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao
B. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
C. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga
D. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang
paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin
_____7. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw ang nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataong ito?
A. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa
sarili.
B. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa na akuin ang
pagkakamali.
C. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa
kanyang sarili.
D. Lahat ng nabanggit
_____8. Ang sumususunod ay katangian ng isip maliban sa:
A. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
B. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran
C. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
D. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay.
_____9. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
A. mag-isip C. magpasya
B. umunawa D. magtimbang ng esensiya ng mga baga
_____10. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob: ___________
A. kapangyarihang magnilay, sumangguni, magpasya at kumilos
B. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
C. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
D. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
_____11. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos
B. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang.
C. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay, maging malusog at
makaramdam.
D. Tama, dahil katulad ng tao ay may pangangailangan din silang alagaan upang lumaki,
kumilos at dumami.
_____12. Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang ________________.
A. kabutihan C. katotohanan
B. kaalaman D. karunungan
_____13. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
A. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
B. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
C. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
D. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan
_____14. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan
B. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama
C. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin
D. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip
_____15. Ang tao ay may tungkuling _________________________, ang isip at kilos-loob.
A. Sanayin, paunlarin at gawing ganap
B. Kilalanin, sanayin, at gawing ganap
C. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
D. Wala sa nabanggit
_____16. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?
A. Ang kilos loob ay walang kakayahang gawin ang nanaisin.
B. Naiimpluwensiyahan ng isip ang kilos-loob, dahil hindi nito nanaisin o gugustuhin ang
isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan
C. Ang isip ang ang siya nagbibigay impormasyon sa kilos-loob.
D. Wala sa nabanggit
_____17. Ito ay maahalagang bahagi ng pagkatao, dahil ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa kongkretong paraan.
A. Katawan C. kamay
B. Isip D. paa
_____18. Anong bahagi ng ating pagkatao ang humohubog ng personalidad nito, lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay dito natatago?
A. Isip C. kamay
B. Puso D. katawan
_____19. Bakit ang isip ay tinatawag na katalinuhan (intellect), katwiran (reason), intelektuwal na kamalayan (intellectual consciousness), konsensiya (conscience) at intelektuwal na memorya (intellectual memory)?
A. Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
B. Ang isip ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala at
umunawa ng kahulugan ng mga bagay.
C. Dahil ang isip ng tao ay may limitasyon at hindi ito kasing-perpekto
D. Lahat ng nabanggit
_____20. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr. may tatlong mahahalagang sangkap ang tao, ano ang mga sangkap na ito?
A. Kamay, paa at katawan C. isip, puso kamay at katawan
B. Mata, puso at isip D. isip, ulo at puso
_____21. Si Juan ay nagmamadali dahil mahuhuli na siya sa kanyang klase. Sa paghihintay ng masasakyan ay may nakatabi siyang matandang babae. Dumaan ang tricycle na kinakailangan lamang ng isang pasahero. Ngunit hindi inaalintana ni Juan ang matanda at nauna siyang sumakay. Ano ang
nakaligtaan ni Juan sa kanyang ginawang desisyon?
A. Ang gamitin ang tunguhin ng kilos-loob na ang tunguhin ay kabutihan.
B. Gusto lamang niyang hindi mahuli sa klase kaya siya nagmamadali.
C. Alam niya na di mabuti ang ginawa ngunit pinili niya itong gawin. Subukin
D. Wala siya pakialam dahil sa tingin niya wala siyang pananagutan sa kapwa.
_____22. Biniyayaan ng Diyos ang tao ng isip at kilos-loob, kaya siya ay natatanging nilikha. Ano ang nararapat gawin the tao sa biyayang ito?
A. Tungkulin ng tao na sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos- loob.
B. Tungkulin na gamitin ito sa ano mang paraan
C. Hayaang ang sariling kagustuhan ng tao ang mangingibabaw kahit na ito ay labag sa
kabutihan at katotohanan.
D. Wala sa nabanggit
_____23. Bilang isang mag-aaral marami kang matutuklasang kaalaman mula sa iyong pag-aaral at pagsasaliksi, ngunit hindi dito nagtatapos ang iyong pagiging isang tao. Paano mo maipapakita ang wastong paggamit ng katalinuhang ipinagkaloob sa iyo?
A. gamitin ang kaalaman upang ilaan ang sarili sa pagpapaunlad ng kanyang pagkatao,
paglilingkod sa kapwa at pakikibahagi o paglilingkod sa pamayanan.
B. gamitin ang isip sa pagkalap ng kaalaman at karunungan upang makaunawa ang
kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao.
C. inaasahan naipamamalas sa kanyang pagkatao ang mapanagutang paggamit ng kanyang
kaalaman.
D. Lahat ng nabanggit
_____24. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
A. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
B. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
C. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
D. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan
_____25. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob : ___________
A. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos
B. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
C. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
D. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
_____26. Lumaki si John Lloyd sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip, nakikita niya ang maraming pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang sumasangguni sa maraming mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa
paglinang ng konsiyensiya ang inilalapat ni John Lloyd.
A. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsiyensiya
B. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam- agam.
C. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsiyensiya sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin
D. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsiyensiya sa
pagkilala sa mabuti at masama.
_____27. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsiyensiya?
A. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
B. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
C. Makakamit ng tao ang kabanalan
D. Wala sa nabanggit
_____28. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsiyensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
B. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
C. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
D. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
_____29. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsiyensiya ang ginamit ni Melody?
A. Tamang konsiyensiya C. Maling konsiyensiya
B. Purong konsiyensiya D. Mabuting konsiyensiya
_____30. Ang likas na Batas-Moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na Batas-Moral ang tinutukoy sa pangungusap?
A. Obhektibo C. walang hanggan
B. Unibersal D.di nagbabago
_____31. Kailan masasabing mali ang konsensiyang ginagamit sa isang kilos at pasya?
A. kung hinuhusgahan ang tama bilang mali
B. kapag ito ay nakabatay sa mga maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa
maling paraan
C. kung hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ng tama ang mali
D. A at C
_____32. Anong katangian ng Likas na Batas Moral ang may kaugnayan sa layon ng tao na hindi nagbabago (Nature of Man)?
A. pangkalahatan C. obhektibo
B. walang hanggan D. di nagbabago
_____33. “Kailangan lagi ang isang paghatol sa pagsasagawa ng isang pamantayan o pagtupad sa batas-moral at dito kailangan ang konsiyensiya.” Ano ang ibig sabihin ang pangungusap na ito?
A. kailangan ang personal na pagpapasiya kung saan ginagamit ng tao ang kaniyang
konsiyensiya.
B. Ang pagsagawa ng isang kilos ay gawain ng tao na walang pagbabatayan sa maaring
resulta.
C. kung ang paghatol ay hindi naaayon sa Likas na batas moral, ang konsiyensiya ay maaari
pa ring magkamali.
D. Ang pagsagawa ng kilos ay nakabatay sa likas na batas moral na ginagamitan ng
konsensiya para sa kabutihan ng tao.
_____34. Paano mapapangalagaan ng tao ang likas na batas mula sa Diyos na ibinigay sa kanya?
A. kailangan niyang pamahalaan ang kanyang kilos sa pamamagitan ng tamang paggamit ng
kanyang kalayaan at kilos-loob.
B. Ang tao ay may kakayahang kumilala sa mabuti at masama kaya dapat gawin ang mabuti
at iwasan ang masama
C. Ang batas-moral na pagkalooban ang tao ng kinakailangang batayan upang makagawa
siya ng tamang pasya at kilos
D. Lahat ng nabanggit
_____35. Karaniwang sinasabi ang mga katagang: maliit na bagay lang naman, ngayon lang o minsan lang upang pangatwiranan ang maling ginawa. Kung patuloy na babale-walain ng tao ang kaniyang konsiyensiya, darating ang pagkakataon na ito ay magiging manhid sa pagkilala ng tama. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil may pagkakataon na inaakala ng tao na ang maliit na bagay ay hindi
nagkakaroon ng malaking epekto sa kanyang pagkatao at ito ang nagaganap sa kaniyang
konsiyensiya nang hindi niya namamalayan.
B. Tama, dahil hindi naman nakakepekto sa pagkatao ang mga maliit na maling pagpapasya.
C. Mali, dahil ang maling ginawa ay maging basihan sa iyong pagiging totoong tao.
D. Mali, dahil ang konsensiya ay hindi kailan man maging manhid.
_____36. Kailan masasabing tama ang konsensiyang ginawa sa isang kilos at pasya?
A. Kapag ang mali ay ginawang tama
B. Kapag nakabatay ito sa kagustuhan ng isang tao
C. Kapag hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at ang mali bilang mali
D. Kapag hindi inalintana ang kilos sa likas na batas moral
_____37. Si Sheena ay inutusan ng ina na bumili ng tinapay sa tindahan, inaakala ng ina na tama lang ang perang ibinigay ngunit nang sinuri ni Sheena dalawang piraso ng limangpung piso ang ibinigay nito. Naisip niya na huwag ng isauli sa ina total hindi naman nito namalayan at kailangan niya ng pera pambili ng load. Kung ikaw si Sheena ano ang nararapat mong gawin?
A. Ibili ito ng load total hindi naman alam ng ina
B. Itago ito at isauli kapag hiningi ng ina.
C. Sasabihin sa ina ang totoo dahil ito ang tama
D. Ipangbili muna at saka sasabihin sa ina upang hindi na niya ito mababawi
_____38. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na Batas-Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito rin ang nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa lahat. Anong katangian ng Likas na Batas Moral ang sinasaad sa pangungusap?
A. pangkalahatan C. obhektibo
B. walang hanggan D. di nagbabago
_____39. Si Rhea ay nahaharap sa isang sitwasyon na kinakailangan niyang mamili sa nagtutunggaling prinsipyo. Ano ang maaaring pagbabatayan ni Rhea upang magkaroon ng tamang pagpapasya?
A. Tamang konsensiya C. mabuting konsensiya
B. Maling konsensiya D. purong konsensiya
_____40.Ano ang kaugnayan ng kosensiya at likas na batas moral?
A. Ang konsensiya ay likas sa tao gayon din ang likas na batas moral
B. Ang konsensiya ay hindi nakadepende sa sinasaad sa likas na batas moral
C. Ibinabatay ng konsiyensiya ang pagsukat o paghusga sa kilos sa obhektibong pamantayan
ng Likas na Batas-Moral.
D. Lahat ng nabanggit
_____41. Ang mga sumusunod na kilos ay nagpapakita nang mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
A. Inilaan ni Anthony ang malaking bahagi ng kanyang buhay upang mapalawak ang
kanyang kaalaman at karunungan, alam niyang malaking bagay ang magagawa nito upang
maiahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan at upang maibahagi niya sa lahat ang
kanyang mga kakayahan.
B. Nasaktan ni Rebecca ang kanyang ina dahil sa kanyang pagsisinungalin dito. Inihanda
niya ang kanyang sarili sa magiging reaksyon ng kanyang mga kapatid sa kanyang
ginawa. Dahil dito siya na mismo ang gumawa ng paraan upang itama ang kanyang
pagkakamali kahit pa ito ay nangangahulugan na siya ay mapapahiya at masasaktan.
C. Nasaksihan ni Rupert ang ginawang panloloko ng kanyang kapatid sa kanyang mga
magulang. Ang alam ng mga ito, pumapasok siya araw-araw sa paaralan ngunit sa halip
nagpupunta ito sa computer shop kasama ang mga barkada. Dahi alam niyang labis na
mapagagalitan ang kanyang kapatid hindi sinabi niya ito sa kanyang magulang dahil
ayaw niyang ito ay mapagalitan o masaktan.
D. Hindi lingid sa kaalaman ni Rachelle ang katiwalian na nagaganap sa loob ng kanilang
kompanya. Saksi siya sa pandaraya na ginagawa ng kanyang matalik na kaibigan sa
report ng kinita ng kompanya. Sa kabila nang pakiusap nito na manahimik na lamang siya
ay sinabi pa rin niya ito sa kanyang boss na naging dahilan ng pagkatanggal ng kanyang
kaibigan sa trabaho at pakakaroon ng kaso sa hukuman.
_____42. Ang mga sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
A. Nakahandang harapin ang anomang kahihinatnan ng mga pagpapasya
B. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
C. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
D. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito
_____43. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito. Ito ay nangangahulugang:
A. Ang kalayaan ng tao, katulad ng kilos loob ay nakabatay sa dikta ng isip.
B. Malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o
kilos.
C. Ang hantungan ng kilos ay itinatakda ng tao batay sa kanyang pagiging mapanagutan sa
paggamit ng kanyang kalayaan
D. Lahat ng nabanggit
_____44 Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang _________________.
A. Isip C. Kilos-loob
B. dignidad D. Konsensya
_____45. Nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kaniyang pinagtatrabahuhan. Nangyari ito dahil sa hindi makataong pagtrato ng may-ari ng kompanya sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito, siya at ang ilan pang mga kasama na itinuturing na pinuno ng mga manggagawa ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito, nawala ang kanyang _________________.
A. Karapatang pantao C. Panloob na kalayaan
B. Dignidad bilang tao D. Panlabas na kalayaan
_____46. Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino, nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan.
A. kalayaang gumusto C. kalayaang tumukoy
B. Panloob na Kalayaan D. panlabas na Kalayaan.
_____47. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawain na ninais ng kilos-loob.
A. kabutihang pansarili C. Likas na Batas Moral
B. kabutihang panlahat D. Panlabas na Kalayaan
_____48. Ang limitasyong ito ay itinakda ng __________________________
A. Likas na Batas Moral C. Santo Tomas de Aquino
B.Sr. Felicidad C. Lipio D. Panlabas na Kalayaan
_____49. Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas Moral.
A. Tama C. Wala sa nabanggit
B. Mali
_____50. Ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan. Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang ________________.
A. Pagkakamali C. Kalayaan
B. Mabuti D.Pagkatao
_____51. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
A. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
B. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at
kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang mga tao.
C. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at
magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
D. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin
matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at ispiritwal.
_____52. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
A. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
B. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
C. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
D. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
_____53. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
B. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
C. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
D. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
_____54. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
A. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
B. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
C. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
D. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at
pagpapahalaga.
_____55. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
A. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado
na tumatanda na
B. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na
nangangailangan ng kanyang tulong
C.Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan
D. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba
_____56. Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan ito nagmumula. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng
lahat ng tao sa lipunan.
B. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at
dignidad ng lahat ng tao.
C. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
D. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas
ang katungkulan sa pamahalaaan.
_____57. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
A. Kapag siya ay naging masamang tao
B. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao
C. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
D. Wala sa nabanggit
_____58. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
A. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
B. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa.
C. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan.
D. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kundi sa karangalan
bilang tao.
_____59. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao?
A. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
B. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
C. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.
D. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o
makasasama sa ibang tao.
_____60. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
A. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
B. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya.
C. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng
disenteng buhay.
D. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw.
LOOK! SEPTEMBER 2024 LET RESULTS Click Here
🎉 GOOD NEWS! Updates on the 2024 Service Recognition Incentives Check it HERE.
0 Comments