SECOND PERIODICAL TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
NAME: ____________________________ GR.& SEC._________ SCORE:________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa PATLANG angtitik ng pinakatamang sagot.
_____1. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
A. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan.
B. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
C. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
D. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.
_____2. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________
A. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
B. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
C. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
D. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.
_____3. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa _________.
A. kakayahan ng taong umunawa
B. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
C. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
D. pagtulong at pakikiramay sa kapwa
_____4. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng ________ bilang paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang panlahat.
A. hanapbuhay C. pagtutulungan
B. libangan D. kultura
_____5. Aling aspeto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
A. Panlipunan C. Politikal
B. Pangkabuhayan D. Intelektwal
_____6. Nalilinang ng tao ang kaniyang ________ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa mga samahan.
A. kusa at pananagutan C. talino at kakayahan
B. sipag at tiyaga D. tungkulin at karapatan
_____7. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa ________.
A. kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba
B. kakayahan nilang makiramdam
C. kanilang pagtanaw ng utang na loob
D. kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot
_____8. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
A. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
B. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa
C. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
D. Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka
_____9. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, maliban sa:
A. Naipakikita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika.
B. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan.
C. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa.
D. Naipahahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga.
_____10. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipag- ugnayan sa kapwa?
A. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
B. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang
mas maaga.”
C. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
D. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo titik ng pinakatamang sagot.
_____11. Paano makamit ng tao ang kaniyang kaganapan?
A. sa pamamagitan ng pag-aasikaso sa pangangailangan ng sariling pamilya.
B. sa pamamagitan ng makabuluhan at mabuting pakikipagkapwa.
C. sa pamamagitan ng pagiging mausisa sa mga pangyayari sa barangay
D. sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming kakilala
_____12. Ano ang isinasaad sa Golden Rule?
A. “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo”
B. “Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili”
C. “Makitungo sa kapwa sa paraang gusto mong ring pakitunguhan ka.”
D. lahat ng nabanggit
_____13. Bawat bagay na materyal ay may katumbas na ___________ .
A. halaga C. pagmamahal
B. dignidad D. trabaho
_____14. Ang paglilingkod sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit at nakahanda kang
ibahagi ang sarili sa iba, ay pagpapakita ng anong mga pagpapahalaga?
A. pagpapakumbaba at pagtulong C. pagmamalasakit at pagmamahal
B. pagpapasalamat at pagmalasakit D.pagkamalikhain at pagmamahal
_____15. Sa anong Parabula pinapakita na kung sino ang ating kapwa at kung paano tayo
dapat makitungo sa ating kapwa?
A. Parabula ng Banga
B. Parabula ng Mabuting Samaritano
C. Parabula ng Sampung Dalaga
D. Parabula ng Nawawalang Anak
_____16. Ano-anong mga birtud ang kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa?
A. katarungan at pagmamahal C. pagtulong at pagpapasalamat
B. pagmalasakit at pagmamahal D. pagkamalikhain at pagpapakumbaba
_____17. Ang mabuting bagay na ginawa mo sa iyong kapwa ay may katumbas na ______
A. kasamaaan C. mabuti
B. kagandahan D. kaayusan
_____18. Ang matugunan ang pangangailangan ng kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay
ng nararapat sa kanya ang paggalang ng kaniyang ____________.
A. yaman C. sitwasyon
B. dignidad D. pangangailangan
_____19. Isa sa mga kalakasan natin bilang Pilipino ay ang pakikipagkapwa. Paano natin
naipapamalas ito?
A. pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba
B. pagiging matulungin at pakikiramay
C. pagpapakita ng bayanihan
D. lahat ng nabanggit
_____20. Nakasalalay ang tagumpay natin sa pakikipag-ugnayan sa kapwa sa ating
kakayahang ibahagi ang ating sarili sa pamamagitan ng ____________
A. paglilingkod sa kapwa C. pagsunod sa utos ng nakatatanda
B. paglilingkod sa pamilya D. pagtupad sa mga hinahabilin ng pamilya
_____21. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa pananaw ni Aristotle sa
pakikipagkaibigan maliban sa:
Hindi pumapanig sa kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t isa
Nag-aangat ng antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng lipunan
Sumisimbolo mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakikilala ang pagkatao sa kaniyang sariling pananaw
Natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit anghalaga kaysa sa isang ordinaryong kakilala lamang
_____22. Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng malalim na pagkakaibigan?
A. pagpapayaman ng pagkatao
B. simpleng ugnayang interpersonal
C. pagpapaunlad ng mga kakayahan
D. pagpapabuti ng personalidad
_____23. Ang sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan maliban sa:
Ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang pagbabahagi ng sarili
Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intensyon ng tulong o pabor na makukuha sa iba
Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon
Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa atin
_____24. Sa panahon ng kabataan likas na umuusbong ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian kagaya sa kaparehong kasarian. Upang maingatang hindi mabuwag ang magandang layunin sa pagkakaibigan sa katapat na kasarian nararapat na isaalang alang ang:
A. Paglilinaw sa kanilang mga limitasyon ng ugnayang maingat na binuo
B. Paggalang sa katangian at kahinaang taglay ng kanilang sekswalidad
C. Pagsuporta sa mga mithiing nais makamit mula sa pakikipagkaibigan
D. Pagkontrol sa posibleng atraksyon na makamit mula sa pakikipagkaibigan
Para sa bilang 5-7. Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba:
Nagsimula ang pagkakaibigan nina Zeny at Cely sa paaralang kanilang pinapasukan. Nagustuhan ni Cely ang pagkamasayahin, makuwento, at maalalahanin ni Zeny. Masaya sila sa kanilang relasyon bilang magkaibigan at magkaklase. Habang tumatagal mas nakilala ng dalawa ang isa’t isa; ang mabubuting katangian pati na rin ang ilang kapintasan. Para kay Cely, lubos at walang kondisyon ang kaniyang pagmamalasakit sa kaibigan. Subalit ng tumagal, napansin niya na kapag
natataasan niya ang iskor ni Zeny sa kanilang pagsusulit, naiinis ito. Kapag ang kanilang guro ay pumupuri sa magagandang gawaing naipamalas ni Cely, sa ibang kaklase sumasama ang huli. Nasasaktan si Cely pero wala siyang lakas ng loob sabihin ito kay Zeny. Ang lahat ng kaniyang saloobin ay sinasarili na lamang niya.
_____25. Kung ikaw si Cely ano ang pinakamakatwirang hakbang upang maging malinaw ang katayuan ng kaniyang pakikipagkaibigan kay Zeny?
Makipagkaibigan sa iba at balewalain ang kaibigang naiinggit sa kaniya
Ipagpatuloy ang pananahimik hanggang kaya pang tiisin ang ugali ng kaibigan
Ipakita kay Zeny na hindi siya apektado sa negatibong kilos at asal na ipinamamalas sa kaniya
D. Maglaan ng sapat na panahon sa pakikipag-usap nang matapat
kaugnay sa negatibong asal / ugali ng kaibigan
_____26. Ano ang pangunahing dahilan ng hindi magandang pakikitungo ni Zeny sa kaniyang kaibigan?
A. Hindi niya mahal ang kaniyang kaibigan
B. May nabubuong kompetisyon sa kanilang dalawa
C. Isa lang sa kanila ang sumisikat at napapansin sa klase
D. Nagsasawa na siya sa kabaitang ipinakikita ng kaibigan
_____27. Mula sa kuwento ng pagkakaibigan nina Zeny at Cely, alin sa sumusunod na konsepto ang angkop dito?
Ang tunay na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayang namamagitan.
Lahat ng pagkakaibigan ay may mabuti at di mabuting naidudulot sa tao subalit ang mga ito’y maaaring maging dahilan ng ating paglago.
Ang pagkakaibigan ay pagbabahagi ng sarili na hindi naghihintay ng kapalit sa mga bagay na hatid ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Sa pagpili ng kaibigan, kailangan nating bumuo ng pamantayan at inaaasahan sa kanila na makakatulong sa pagpapabuti ng pagkatao.
_____28. Matagal nang inuunawa ni Lyka ang pagiging palaasa ni Jovelle. Madalas sa klase, si Lyka ang kinokopyahan ng mga takdang- aralin ng kaibigan. Minsan, sinabi nito kay Jovelle na mas makabubuting pag-aralan niya na gawing mag-isa ang mga proyekto at iba pang gawain sa klase ngunit hindi pa rin niya ito ginawa. Kaya, nagpasiya si Lyka na hindi na siya magpapakopya sa kaibigan. Mula noon, hindi na siya pinansin ni Jovelle. Anong uri ng pagkakaibigan ang ipinakitang
halimbawa ni Jovelle?
Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan
Pagkakaibigang nakabatay sa kakayahang interpersonal
_____29. Ang sumusunod ay naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao maliban sa:
Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili
Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan
Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipag kaibigan sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan
Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng obserbasyon sa sariling ugnayan at ugnayan ng iba
_____30. Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?
dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
dahil makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan dahil sa paulit- ulit na pagdanas dito
dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa
dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa.
_____31. Nalilito si Roel kung anong kurso ang kukunin niya sa kolehiyo bagama’t nakapasa siya sa pagsusulit para sa iba’t ibang kurso. Sa ganitong pagkakataon, ano ang pinakamainam niyang gawin upang mapili niya ang angkop na kurso para sa kaniya?
Magtanong at humingi ng payo sa mga nakatatanda
Pumili alinman sa mga kurso dahil naipasa naman niya ang pagsusulit
Huwag munang mag-aral sa kolehiyo upang makapaglaan ng mahabang panahon sa pag-iisip
Pag-isipan at pag-aralang mabuti ang desisyon na gagawin upang hindi magsisi sa huli
_____32. Nagalit ka sa iyong kaibigan dahil nalaman mo na nililigawan niya ang iyong kasintahan. Pakiramdam mo ikaw ay nainsulto sa kaniyang ginawa.Isang araw nakasalubong mo sila na masayang magkasama. Pinigilan mo ang iyong sarili upang kausapin sila. Umiwas ka na muna dahil sa iyong palagay ay hindi angkop ang oras na iyon para sa pag-uusap dahil matindi pa rin ang iyong galit sa kaibigan mo. Ano ang kabutihang idudulot ng ginawang pagtitimpi (temperance)?
nakaiiwas sa pananakit sa sarili at sa kapwa
napatutunayan ang kabutihan ng sarili sa iba
nahaharap ang matinding pagsubok sa buhay
nakaiiwas sa pag-iisip ng solusyon sa suliranin
_____33. Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga na tayo ay mag–relax. Alin sa sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagre-relax?
paglakad-lakad sa parke C. pagbabakasyon
paninigarilyo D. panonood ng sine
_____34. Ito ay kagyat na tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakita, naramdaman, naamoy, nalasahan, at narinig na binibigyan ng interpretasyon ng kanyang pag-iisip.
A. kilos B. mood C. emosyon D. Desisyon
_____35. Gabi na nang makauwi si Ana mula sa praktis nila para sa gagawing pagtatanghal sa paaralan. Habang siya ay naglalakad sa madilim na kalsada nakarinig siya ng kaluskos sa kung saan. Siya ay nagulat at nakaramdam ng takot. Tinalasan ni Ana ang kanyang pandinig at binilisan ang kaniyang paglalakad upang mas madali siyang makarating sa kanilang bahay. Ano ang idudulot nito sakaling maranasan niya muli ang ganitong sitwasyon?
makapag-iingat si Ana
mapoprotektahan ni Ana ang sarili
hindi na muling dadaan si Ana sa madidilim na kalsada
makaiiwas sa mga nakatatakot na sitwasyong maaaring maranasan muli
_____36. Pangarap ni Joey na maging katulad ng kaniyang hinahangaang guro. Ngunit sinasabi ng kaniyang magulang kung siya ay magiging Accountant ay madali siyang aasenso gaya ng kaniyang pinsan na ngayon ay nasa ibang bansa. Malungkot si Joey sa di pagsang-ayon ng kaniyang magulang sa nais niya. Ngayon na siya ay nasa unang taon sa kolehiyo sa kursong Accountancy nakita niya na angkop ang kaniyang kakayahan sa kursong ito. Komportable siya sa kaniyang mga ginagawa.Ano ang nakapagpabago sa kalagayan ng kaniyang emosyon?
ang kaniyang mood C. ang mga pagsubok na naranasan
ang naparaming nararamdaman D. ang dikta ng kaniyang isip
_____37. Ito ay nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman
A. ang ating mga opinyon C. ang ating ugnayan sa kapwa
B. ang ating mga kilos o galaw D. ang mabilis na pagtibok ng ating puso
_____38. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang iyong bag na walang paalam. Ano ang idinulot ng iyong kilos?
A. nailabas mo ang iyong sama ng loob
B. hindi na niya inulit ang kaniyang ginawa
C. gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti
D. nagkaroon ng suliranin sa ugnayan sa iyong kapatid
_____39. Paano ka makaiiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit?
A. suntukin na lamang ang pader
B. kumain ng mga paboritong pagkain
C. huwag na lamang siyang kausapin muli
D. isipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit ng damdamin ng iba
_____40.Kinausap ng kaniyang guro si Hilda na kailangan niyang dagdagan pa ang kanyang pagsisikap upang makakuha ng mataas na marka sa susunod na markahan. Ito ay dahil hindi naging kasiya-siya ang kaniyang grado sa nakaraan. Nag-aalala ng lubos si Hilda dahil baka hindi siya makapasa.Sa ganitong pagkakataon, anong pagpapahalaga ang dapat patibayin upang mapagtagumpayan ang pagsubok na ito?
A. sumuko at umulit na lamang sa susunod na taon
B. tanggapin na lamang na sadyang may pangyayaring gaya nito
C. magkaroon ng katatagan ng loob at maniwala na kakayanin niya ito
D. humingi ng paumanhin sa guro sa naging pagkukulang sa klase tamang sagot.
_____41. Tumutukoy sa limang panlabas na pandama at nagdudulot ng panandaliang kasiyahan.
A. Pandama o Sensory Feelings C. Sikikong Damdamin
B. Kalagayan ng Damdamin D. Ispiritwal na Damdamin
_____42. Ito ay tumutukoy sa mga damdaming nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan.
A. Sensory feelings C. Ispiritwal na damdamin
B. Kalagayan ng Damdamin D. Sikikong Damdamin
_____43. Alin sa mga ito ang negatibong damdamin?
A. Pagmamahal C. Pagiging matatag
B. Pagkagalit D. Pagkamahinahon
_____44. Alin sa mga ito ang positibong damdamin?
A. Pagkagalit C.Pagdadalamhati
B. Pag-asa D. Pagkabigo
_____45. Ito ay ang mga birtud na kailangang pairalin upang malampasan ang kahirapan, tukso at mga balakid tungo sa mas maayos na buhay.
A. Pag-asa at pananalig C.Pag-ibig at Pagsisisi
B. Katatagan at kahinahunan D. Paghahangad at Kawalan ng Pag-asa
_____46. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ngpamumuno?
A. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat
B. Nagkakaroon ng direksyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin
C. Nakatatanggap ng parangal dahil sa pagkakaroon ng magandang proyekto
D. Nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan
_____47. Ang mapanagutang pamumuno ay pagkakaroon ng ________.
A. Awtoridad na maipatupad ang mga gawain upang makamit ang layunin ng pangkat.
B. Impluwensiya na magpapakilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng layunin
C. Karangalan pagkatapos na makamit ng pinamumunuan ang layunin ng pangkat
D. Posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan
_____48. Mataas ang kamalayang pansarili ng isang tao kung nalalaman niya ang tunay ng layon ng kaniyang pagkatao, mga pinahahalagahan, mga talento, layunin sa buhay at kung ano ang nagbibigay ng kahulugan, kapanatagan at kaligayahan sa kaniyang buhay. Siya ay may _______________.
A. Kakayahang pamahalaan ang sarili
B. Kakayahang makibagay sa sitwasyon
C. Kakayahang makibagay sa personalidad
D. Kakayahang makibagay sa mga tao
_____49. Ayon sa resulta ng mga pananaliksik, alin sa sumusunod ang pangunahing katangian ng lider na pinipili ng mga tao?
A. Magaling ang lider sa pagpaplano at pagpapasiya
B. Nagpapamalas ang lider ng integridad
C. Pagkakaroon ng tiwala ng lider sa kaniyang tagasunod
D. Nagbibigay ang lider ng inspirasyon sa pangkat
_____50. Mas marami ang kuntento sa pagiging tagasunod dahil sa___________________
A. Paggalang sa awtoridad
B. Pakinabang na tinatanggap
C. Parehong paniniwala at prinsipyo
D. Mas madali ang maging tagasunod kaysa maging lider
_____51. Bilang tagasunod, ang isang tao ay masasabing umaayon, kung siya ay
kinakikitaan ng________________
A. Mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi
B. Mataas ng antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi
C. Mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi
D. Mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi
_____52. Ano ang nililinang ng isang tagasunod kung paiiralin niya ang isang tamang konsiyensiya na gagabay sa kaniya sa pagtupad ng kaniyang mga gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa?
A. kakayahan sa trabaho C. mga pagpapahalaga
B. kakayahang mag-organisa D. Pakikipagkapwa
_____53. Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa:
A. Pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat
B. Pagiging tapat at maunawain, at pagpapakita ng kakayahang impluwensiyahan ang kapwa
C. Pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip
D. Pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa iba
_____54. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat taglayin ng isang mabuti at epektibong lider?
A. Naipakikita ang kakayahang mamuno
B. Umiiral ang pagkamakamasa
C. Pagkamakasarili
D. Laging tapat at totoo sa mga gawa
_____55.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagiging mabuting katangian ni dating Pangulong Ramon Magsaysay bilang lider ng bansa kung saan siya nakilala?
A. Pagkamakamasa
B. Pagkamakasarili
C. Mabuting tagasunod
D. Mapagmahal
_____56. Hindi lahat ng naging lider ay lider sa lahat ng pagkakataon. Tagasunod din ang marami nating mga lider, lider sila pero mayroon pa ring nakakataas sa kanila na dapat nilang sundin. Ano ang maaaaring dahilan kung bakit natuto silang maging lider?
A. Dahil sa kanilang mataas na pinag-aralan sa mga Universidad
B. Dahil sa kanilang kakayahang sumunod
C. Dahil sa kanilang tapang sa pagpapasiya
D. Dahil sa kanilang karisma sa pagtatalumpati
_____57. Mahalaga ang pagkakaroon ng mapanagutang lider at mapanagutang tagasunod. Ang iyong kaalaman at kakayahang mamuno ay kasing halaga rin ng iyong kaalaman at kakayahang maging tagasunod dahi___________
A. Hindi magiging matagumpay ang isang samahan kung magkakaroon ng suporta mula sa
mga kasapi at tagasunod nito
B. Hindi magiging matagumpay ang isang samahan kung walang suporta mula sa mga
kasapi nito at tagasunod
C. Magiging matagumpay ang isang samahan kung walang suporta mula sa mga kasapi nito
at tagasunod
D. Lahat ng nabanggit
_____58. Kung susuriin ang resulta ng pananaliksik tungkol sa dahilan kung bakit mas pinipili ng tao ang sumunod, ano ang mas nangingibabaw?
A. Dahil sa takot sa awtoridad
B. Dahil sa kaniyang tinatanggap na mga pakinabang
C. Dahil sa lubos na pagtitiwala at pagsang-ayon
D. Pagkakaroon ng tiwala sa lider
_____59. Ang isang ulirang tagasunod ay nag-iisip ng kritikal at aktibong nakikilahok sa pagkamit ng layunin ng pangkat na kaniyang kinabibilangan. Kaya dapat taglayin ng isang mapanagutan at ulirang tagasunod ang sumusunod na kakayahan. Alin ang hindi kabilang?
A. Kakayahang pumuna C. Kakayahang mag-organisa
B. Kakayahan sa trabaho D. Kakayahan sa pagpapahalaga
_____60. Kung isinasabuhay mo ang pagiging mapanagutang lider, inaasahan na ikaw ay magalang sa lahat, mapaglingkod sa kapwa at makatarungan sa pakikipag- ugnayan. Madaling tumugon sa mga suliranin at nagbibigay ng direksiyon upang makamit ang layunin ng pangkat. Anuman ang pagpapasiya ng isang lider, ay lagi niyang isaalang alang ang__________.
A. Pagkamakamasa C. Kabutihang panlahat
B. Pagkamakasarili D. pagkamaunawain
LOOK! SEPTEMBER 2024 LET RESULTS Click Here
🎉 GOOD NEWS! Updates on the 2024 Service Recognition Incentives Check it HERE.
0 Comments