PANUTO: Basahin nang maigi ang bawat aytem at isulat sa kuwaderno ang iyong mga sagot. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Isang natatanging kwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyosa o bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.
A. tula C. mitolohiya
B. nobela D. epiko
_____2. Elemento ng mitolohiya na tumutukoy sa mga diyos o diyosa na may taglay na kapangyarihan.
A. tauhan C. banghay
B. tagpuan D. tema
_____3. Tumatalakay sa mga sumusunod: kapana-panabik na aksiyon o tunggalian, sa mga suliranin at paano ito malulutas, pagpapakita ng ugnayan ng tao sa mga diyos at diyosa at interaksiyong nagaganap sa araw, buwan at daigdig.
A. tauhan C. banghay
B. tagpuan D. tema
_____4. Ito ay may kaugnayan sa kulturang kinabibilangan at sinaunang panahon.
A. tauhan C. banghay
B. tagpuan D. tema
_____5. Ang elementong ito ay nakatuon sa pinagmulan ng buhay sa daigdig, pag- uugali ng tao, paniniwalang panrelihiyon, katangian at kahinaan ng tauhan, at mga aral sa buhay.
A. tauhan C. banghay
B. tagpuan D. tema
_____6. Siya ang tinaguriang diyos ng kulog at kidlat.
A. Thor C. Skymir
B. Loki D. Utgaro-Loki
_____7. Ang anak na lalaki ng magsasaka ay si _________.
A. Logi C. Elli
B. Hugi D. Thjalfti
_____8. Isang ahas na ang haba ay sapat na upang yakapin ang daigdig ng kanyang ulo at buntot.
A. sawa C. cupbearrer
B. Miogaro D. cobra
_____9. Ano ang ibang salita na maiuugnay sa salitang mata?
A. paningin, singkit, dilat C. kabayo, tao, hayop
B. lawin, bagwis, pugo D. toliro, malinaw, malabo
_____10. Ang nanalo sa paligsahang nilahukan nina Loki at Logi ay ___.
A. Logi C. cupbearrer
B. Loki D. Thjalfti
_____11. Ito ay pag-aaral ng kasaysayan ng wika at pinag-ugatan ng mga salita.
A. gramatika C. literatura
B. etimolohiya D. onomatopoeia
_____12. Anong parusa ang ipinataw ng Prinsipe kay Romeo dahil sa pagpatay niya kay Tybalt?
A. kamatayan C. habambuhay na pagkabilanggo
B. ipinatapon sa ibang lugar D. pagbayad ng malaking halaga
_____13. Sila ang mga tauhan sa dulang naglalarawan sa walang kamatayang pag-ibig na humantong sa isang trahedya.
A. Romeo at Juliet C. Jim at Della
B. Florante at Laura D. Cupid at Psyche
_____14. Sa aling relihiyon nabibilang sina Romeo at Juliet?
A. Kristiyanismo C. Hinduismo
B. Islam D. Budismo
_____15. Aling pangyayari ang kasukdulan ng dula?
A. Ang pagpapatapon ng prinsipe kay Romeo sa malayong lugar
B. Ang pagbigay ni Padre Lawrence ng gamot pampatulog kay Juliet
C. Ang pagkamatay ni Romeo at Juliet
D. Ang ipapakasal si Juliet kay Paris ng kanyang mga magulang
_____16. Bakit ayaw pakasalan ni Juliet si Paris?
A. Hindi niya mahal si Paris. C. Hindi pa niya nakita si Paris.
B. Kasal na siya kay Romeo. D. Lahat ng nabanggit.
_____17. Ito ay akdang pampanitikan na nahahati sa yugto at maraming tagpo na karaniwang itinatanghal sa isang tanghalan o entablado.
A. tula C. mitolohiya
B. dula D. maikling kwento
_____18. Ito ay anyo ng dula na kadalasang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o kabiguan.
A. Komedya C. Parodya
B. Melodrama D. Trahedya
_____19. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing tema sa dula?
A. Ang pag-ibig ay makapangyarihan
B. Laging sundin ang mga magulang
C. Mahalaga ang pagsunod sa mga panuntunan
D. Wala sa nabanggit
_____20.Ang dalawang maharlikang angkan na magkaaway sa dulang Romeo at Juliet.
A. Tybalt at Paris C. Mercutio at Benvolio
B. Capulet at Montaque D. Romeo at Juliet
COVID – 19 Alvin Cruz Tila may luha ang kalangitan Makulimlim at bigo itong bayan Ihip ng hangin may kaba sa dibdib Corona itong sasalanta sa atin Kailan ko mapagmamasdan itong bayan Masaya’t makulay at maingay na muli Kay lungkot ang ganitong pakiramdam Sa mga taong sagad ang pighati Aking napagtanto sa aking pag-iisa Mahal pala ako ng aking pamilya Kamag-anak ay nagkakaisa Sa delubyong dala nitong pandemiya. Diyos ko masama itong panaginip Bayan ko po ay huwag bawian nang lakas Saklolohan mo po kaming mga nasadlak Patnubayan mga bayaning nagbubuwis ng buhay |
Alvin Cruz. “Covid-19, Malayang Taludturan” Huling Paglathala Abril 8, 2020. https://bit.ly/3jauP2e
_____21. Ang tulang COVID-19 ay may _____ na linya kaya’t ito ay saknong na____________.
A. 3- tercet C. 4- quatrain
B. 4- quintet D. 5- sestet
_____22. Ang simpleng kahulugang nanghina ay ginamitan ng matalinghagang pahayag na ________.
A. may luha ang kalangitan C. bawian ng lakas
B. aking napagtanto D. nagbuwis ng buhay
_____23. Ang tulang ito ay walang sukat at walang tugma ang bawat saknong/taludturan. Ito ay nasa anyong ______________.
A. tradisyunal C. malayang taludturan
B. blangko berso D. walang sukat at walang tugma
_____24. Ginamit ng makata sa tula ang mga panghalip na: atin, ko, akin at ako, na tumutukoy sa persona ng tula na nasa ______________ panauhan.
A. unang C. ikatlong
B. ikalawang D. persona
_____25. Ang tono ng tula ay ____________ batay sa diwa nito.
A. kalungkutan C. malasakit sa kapwa
B. kapighatian D. pakikipagkapwa
_____26. “Akala’y isa siyang elepanteng ganid”, anong uri ng tayutay ang ginamit sa pahayag na ito?
A. pagwawangis C. pagtatao
B. pagtutulad D. pagmamalabis
_____27. Sa tulang “Ang Matanda at ang Batang Paruparo”, ano ang pinapakitang
mensahe o paglalarawan sa loob ng saknong sa ibaba?
“Ang ilaw na iyang maganda sa mata na may liwanag pang kahali-halina, dapat mong layuan, iya’y palamara, pinapatay bawa’t malapit sa kanya.” |
A. Kagalingan ng pagmamahal ng batang paruparo sa matandang paruparo.
B. Kagandahan ng liwanag kung saan nabuyo ang paruparong lumapit dito.
C. Kadakilaan ng pagmamahal ng inang paruparo sa batang paruparo.
D. Kariktan ng ng liwanag na nakakapaso sa makukulit na paruparo.
_____28. Batay sa bilang 7, ano ang kahulugan ng matalinghagang pahayag na palamara?
A. lilo B. taksil C. manloloko D. sakim
(Para sa bilang 9-10) Minsan ni CP David Natuto na akong umibig at nagtiwala minsan Nagtiwala sa mga pangakong iyong binitawan Nag-uumapaw ang ligaya sa puso at isipan Sa akalang hindi paghihiwalayin ng kahit sinuman. | Subalit talagang mapaglaro ang tadhana minsan, Sa kabilang dako ng mundo’y nakipagsapalaran. Layong mapabuti at maiangat ang kabuhayan, Naglaho kang parang bula, pangako mo’y binitawan. |
_____29. Sa tulang “Minsan”, anong uri ng tayutay ang ginamit sa taludtod na “Nag-uumapaw ang ligaya sa puso at isipan”?
A. pagwawangis C. pagtatao
B. pagtutulad C. pagmamalabis
_____30. Aling taludtod sa tula ang gumamit ng tayutay na pagtutulad?
A. Naglaho kang parang bula, pangako mo’y binitawan
B. Sa kabilang dako ng mundo’y nakipagsapalaran.
C. Subalit talagang mapaglaro ang tadhana minsan,
D. Nag-uumapaw ang ligaya sa puso at isipan
_____31. Anong kaisipan ang lumutang sa kuwentong pinamagatang “Aginaldo ng mga Mago?”
A. Ang pag-ibig ay pagbili ng regalo upang mapasaya ang mahal mo.
B. Ang pag-ibig ang pinakamagandang aginaldo sa Pasko.
C. Ang regalo ang pinakamagandang matatanggap sa Pasko.
D. Ang regalo ay batayan na mahal ka ng isang tao.
_____32. Ito ay tumutukoy sa elementong kinabibilangan ng panimula, saglit na kasiglahan, kasukdulan, kakalasan at wakas.
A. banghay C. tema
B. kakalasan D. tunggalian
_____33. Anong damdamin ang ipinapahiwatig sa pahayag na, “Ipinaputol ko at ipinagbili,” wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking buhok?”
A. pag-aalala C. pagkainis
B. pagkabagot D. pagtataka
_____34. "Huwag ka sanang magkamali tungkol sa akin, Della,” ang wika. “Sa palagay ko’y walang makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil sa buhok o pabango, o ano pa man.” Ano ang katangiang taglay ng nagsasalita?
A. mabagsik C. mapagmalasakit
B. mapagmahal D. mapanlinlang
_____35. Kalimitan sa bahaging ito ipinakikilala ang mga tauhan, lugar at iba pa. Marapat
na ito’y nakapanghihikayat upang ipagpatuloy ng mga mambabasa ang pagbabasa.
A. kasukdulan C. simula
B. saglit na kasiglahan D. tauhan
Para sa bilang 6 – 7
“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi.” “Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob-loob niya. Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man lang akong salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan at malakas at matalino. Pero mas matalino ako kaysa kaniya. Siguro’y hindi, sa loob-loob niya. Siguro’y mas armado lang ako.” |
_____36. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi.” Ipinapakita sa pahayag na _______.
A. hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay.
B. kung may dilim may liwanag ding masisilayan.
C. may pagsubok mang dumating, matatag pa rin itong kahaharapin.
D. nilikha tayo ng Diyos para lumaban at hindi para masaktan lamang.
_____37. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang makikita sa naturang pahayag?
A. mabait
B. maalalahanin C. mapagpahalaga D. mabuti
_____38. “Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang anumang dumating.” Ang pahayag ay nagpapakita ng anong uri ng tunggalian?
A. tao vs tao
B. tao vs sarili C. tao vs kalikasan D. tao vs lipunan
_____39.Batay sa nobelang nabasa, ang mga pahayag sa ibaba ay mga pahayag na nagpapakita ng pangyayari ng reyalidad sa buhay maliban sa isa.
A. Naririnig ng matanda ang ingay ng balat ng pating.
B. Sariwa ngayon ang simoy at maayos siyang naglayag.
C. Lumangoy ang pating patungo sa direksiyon ng bangka at ng isda nang maamoy ang
dugo.
D. Naisip ng matanda na kasalanan ang patayin ang isda ngunit siya’y isang mangingisda na
maraming umaasa.
_____40.Batay sa nobelang nabasa, ang mga pahayag sa ibaba ay nagpapakita ng pangyayari ng reyalidad sa buhay maliban sa isa.
A. Naglayag ng dalawang oras ang matanda at wala siyang makitang bangkang naglalayag at
ni isang ibon na lumilipad.
B. Isa siyang napakalaking pating na Mako, ang katawan ay sadyang para lumangoy na
kasimbilis ng pinakamabilis na isda sa dagat.
C. Kapag nasa laot ang mangingisda at nag-iisa, hindi maiiwasang kausapin niya ang sarili.
D. Napatay ng matanda ang pating na Mako gamit ang kanyang lakas at salapang.
_____41. Ito ay pagsusuri o rebuy sa binasang akda o teksto?
A. maikling kuwento C. suring-basa
B. dula D. nobela
_____42. Ang mga sumusunod ay mga element ng isang suring-basa, maliban sa ____.
A. uri ng panitikan C. buod
B. tunggalian D. teoryang pampanitikan
_____43. Isa ito sa mga elemento ng suring-basa na tumatalakay sa mahahalagang pangyayari sa loob ng 5-6 na pangungusap kung ang akda ay maikling kuwento na _____________.
A. Uri ng panitikan C. buod
B. tunggalian D. teoryang pampanitikan
_____44. Ito ay teoryang pampanitikan na tumatalakay sa mga nasaksihan ng may-akda sa tunay na buhay.
A. Humanism C. naturalism
B. realism D. eksistensiyalismo
_____45. Ito ay teoryang pampanitikan na tumatalakay sa kinahinatnan ng pangyayari sa buhay ng tao ay bunga ng kultura at heredity.
A. Humanism C. naturalism
B. realism D. eksistensiyalismo
_____46. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang umiikot sa teoryang naturalismo?
A. Si Cardo Dalisay ay matapat na nagsisilbi bilang pulis.
B. Si Tom Robinson na mula sa lahing itim ay inakusahan sa salang di niya ginawa.
C. Pinili ni Dilma Rousseff na pagsilbihan ang bayan sa kabila ng paghihirap na naranasan
sa kulungan.
D. Inihanda ni Santiago ang kaniyang salapang para sa pangingisda.
_____47. Sino ang may-akda ng “Ang Matanda at ang Dagat?
A. Ernest Hemingway C. Dilma Rousseff
B. Harper Lee D. J.K. Rowling
_____48. Sino ang pangunahing tauhan sa nobelang Sa mga Kuko ng Liwanag?
A. Mayella Ewell C. Santiago
B. Boo Radley D. Julio at Ligaya
_____49. Ito ay bahagi ng buod na tumatalakay kung ang kuwento ay humantong sa pagkabigo o kalungkutan ng tauhan.
A. simula C. kasukdulan
B. gitna D. wakas
_____50.Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng matibay at epektibong pananaw ukol sa akda.
A. Mahusay ang paglalarawan ng mga nararanasan ng lahing maiitim dahil sa kanilang
kulay.
B. Talagang mahusay ang paglalarawan ng mga naranasan ng lahing maiitim dahil sa
kanilang kulay na tinalakay sa ikalawang talata.
C. Talagang mahusay ang paglalarawan ng mga naranasan ng lahing maiitim dahil sa
kanilang kulay.
D. Hindi katanggap-tanggap ang nangyari sa mga taong kabilang sa lahing maiitim.
Para sa bilang 51-55. Piliin ang titik nang tamang sagot upang mabuo ang pahayag.
_____51.____________ tugma sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa akda.
A. talagang C. oo nga,
B. sadyang D. ngunit
_____52.____________ naman na kunti lang ang kanyang linya sa pelikula, ngunit mahusay na naibahagi ni Piolo Pascual ang nais iparating ng kanyang papel na ginagampanan.
A. hindi C. totoo
B. tunay D. sadyang
_____53.____________ nakuha ng pelikula ang panlasa ng madla.
A. hindi C. totoo
B. tunay D. sadyang
_____54.Ang _________________ ay tumutukoy sa kung paano naimpluwensiyahan ang pag-iisip/utak o paraan ng pag-iisip ng mambabasa.
A. bisa sa isip C. layunin
B. bisa sa damdamin D. may-akda
_____55.Ang _________________ ay tumutukoy sa kung ano ang nadama at kung paano natigatig ang emosyon ng mambabasa.
A. bisa sa isip C. layunin
B. bisa sa damdamin D. may-akda
_____56. Pagsusuring pampanitikan tulad ng tula, sanaysay, o iba pang uri ng
sanaysay.
A. suring-basa C. layunin
B. uri ng Panitikan D. bisa sa isip
_____57. Ang akdang “Sa mga Kuko ng Liwanag” ay kumakatawan kay/sa mga____?
A. Julio C. Edgardo Reyes
B. Ligaya D. kapus-palad
_____58. Ito ay nagpapakita o nagpapalutang na ang naganap o mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan ay bunga ng kaniyang sariling pagpili dahil naniniwala siya na ang isa sa dahilan sa pag-iral ng tao sa mundo ay para hubugin ang sarili niyang kapalaran.
A. eksistensiyalismo C. naturalismo
B. realismo D. humanismo
_____59. Ang teoryang ito ay tumatalakay sa pagiging marangal ng tauhan.
A. eksistensiyalismo C. naturalismo
B. realismo D. humanismo
_____60. Ito ay tumutukoy kung paano naimpluwensiyahan ang pag-iisip o damdamin ng mambabasa.
A. Buod C. Paksa
B. Genre D. Bisa
NOW AVAILABLE! DLL Quarte 2 Week 6 Click Here
🎉 Special NON-WORKING HOLIDAYS! for November and December 2024 Check it HERE.
0 Comments