SECOND PERIODICAL TEST IN FILIPINO 7
NAME: ____________________________ GR.& SEC._________ SCORE:________
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem. Titik lamang ang isulat sa aytem.
_____1. Saan sa sumusunod na linya ang may kaugnayan sa pampatulog ng sanggol?
A. “Ili ili, tulog anay, wala diri imong nanay.
B. Dandansoy, bayaan ko ikaw. Pauli ako sa payaw.
C. Ang halin puros kura Ang halin puros kura
Igo rang gipanuba
D. Tong tong tong Pakitong kitong
_____2. Ano ang nais ipahiwatig ng tekstong ito?
“Si Pilemon,si Pilemon,nangisda sa karagatan
Nakahuli,nakahuli ng isdang tambasakan
A. Isa sa mga pangunahing kabuhayan sa Bisayas ang pangingisda.
B. Libangan sa mga tao sa Bisayas ang pangingisda.
C. Pangingisda ang pinakasikat na kabuhayan ng mga Pilipino.
D. Laro ng mga Pilipino ang pangingisda.
_____3. Tumatahol ang aso sa harap ng malaking puno ng kapok.
A. May malignong nakatira sa puno.
B. May maligno sa palibot.
C. May malignong paparating.
D. May malignong tinataboy ang aso.
_____4. Sinuway ng nanay ang anak nang nagwalis bago maghapunan.
A. Magkakaalikabok ang pagkain sa mesa.
B. Matataboy ang grasya/swerte.
C. May takdang oras sa pagwawalis.
D. Nanay ang magwawalis.
_____5. Ang awiting-bayan ay karaniwang iniuugnay sa:
A. materyal na kayamanan ng isang bayan
B. pagdurusang naranasan ng isang bayan.
C. kultura at kaugalian ng isang bayan
D. politiko ng isang bayan
_____6. Alin sa sumusunod na linya ang oyayi o hele?
A. Dandansoy, bayaan ko ikaw, pauli ako sa payaw.
B. Ili, ili, tulog anay, wala diri imong nanay.
C. Tong tong tong, pakitong kitong
Alimango sa suba, gibantog nga dili makuha.
D. Si Pilemon, si Pilemon, nangisda sa kadagatan,
_____7. Ano ang masasalamin na nakagawian ng mga Bisaya sa awiting “Si Pilemon, si Pilemon?
A. Pangingisda ang pinakasikat na kabuhayan ng mga Pilipino.
B. Isa sa mga pangunahing kabuhayan sa Bisayas ang pangingisda.
C. Libangan sa mga tao sa Bisayas ang pangingisda.
D. Laro ng mga Pilipino ang pangingisda.
_____8. Ano ang maibubulong mo kapag may nakita kang aso na umuungol sa harap ng malaking puno?
A. “Tabi, tabi po, dadaan po kami!”
B.” May maligno sa palibot.”
C. “May malignong paparating.”
D. “May malignong tinataboy ang aso.”
_____9. Isa sa mga paniniwalang Pilipino ang matataboy ang grasya/swerte kapag_________.
A. nagsusuklay sa gitna ng lamay ng patay
B. kumakanta sa harap ng saingan kapag nagluluto
C. nagwawalis kahit gabi na
D. bumibili ng asin kahit dumidilim na
_____10. Noong una ito ay tulang may sukat at tugma at karaniwang iniuugnay sa kultura at kaugalian ng isang bayan.
A. awiting-bayan C. bugtong
B. parabola D. bulong
_____11. Tumutukoy ito sa mga tradisyon at paniniwala, opinyon, customs, mga kwento, alamat, kultura at pamantayang panlipunan na karaniwang isinasalin mula sa isang henerasyon.
A. akda C. tradisyon
B. pamahiin D. politika
_____12. Alin sa mga sumusunod ang hindi kaugalian sa panliligaw?
A. Pagsibak ng panggatong
B. Pag-igib ng tubig
C. Pagtulong sa pagkukumpuni ng bahay
D. Pagpunta sa bahay ng babae kapag tulog na ang magulang
_____13. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na ang wika ay buhay at dinamiko?
A. Ang mga salita ay maaring magkaroon ng ibang kahulugan
B. Madagdagan pa ang mga salita sa ating diksyunaryo
C. May pag-iikli o pagkakaltas ng mga titik
D. Lahat ng mga nabanggit
Bulahan ug bulahan
Ang tagbalay nga giawitan
Awit nga halandon sa tanang pasko magmalipayon!
Halaw mula sa awiting Kristiyanong Kabisayaan: Kasadya nin Taknaa
_____14. Ang awiting pamasko na nasa itaas nasa itaas ay labis na nagpapahalaga sa tradisyong nauukol sa:
A. Kapistahan C. Araw ng Patay
B. Relihiyon D. Visita Iglesia
_____15. Anong emosyon o damdamin ang namamayani sa awitin bilang pagpatunay sa kaugalian ng kabisayaan?
A. Masaya C. Maramdamin
B. Malungkot D. Masakit
Ang Kinabuhi sa tawo sama sa usa ka binhi
Kung alimahan pag-ayu muturok kini’g mulambo
Unya ug abto’g kahamtong sama sa atong tanom
Kay inumol man sa gugma, gugma sa isig kaingun
Halaw mula sa awiting panrelihiyon na: Ang Kinabuhi sa Tawo
_____16. Ang mga linya sa awitin ay nagpapahiwatig sa kaugalian ng Kabisayaan na:
A. Pag-aalaga at Pagpapahalaga sa buhay na kaloob ng Panginoon
B. Pagsayang sa buhay na kaloob ng panginoon
C. Pagreklamo dahil hindi nakokontento sa kaloob ng Panginoon
D. Pagkalinga sa nangangailangan upang may mahihintay na kapalit
_____17. Ang mga salitang nakasulat ng pahilig ay isang halimbawa ng antas ng salita na:
A. Balbal C. Pormal
B. Kolokyal D. Lalawiganin
Dili nato hikalimtan kadtong himaya’ng atong gisaw-an
Kay didto atong namugna unang kalipay’ng hilabihan
Halaw Mula sa Awiting: Lagkaw
_____18. Alin sa mga sumusunod ang kaugaliang ipinapakita sa awitin?
A. Pagkalimot sa nakaraan
B. Pagbabalik-tanaw nang may pagpapahalaga
C. Pagwasak sa damdamin ng kapwa
D. Pagtulong sa mga nangangailangan
Matud nila ako dili angay
Nga magmanggad sa imong gugma
Matud nila ikaw dili malipay
Kay wa akoy bahandi nga kanimo igasa
Halaw Mula sa Awiting: Matud Nila
_____19. Batay sa awiting nasa itaas anong tradisyon kalimitang nangyayari ang hindi pagpayag ng mga magulang kapag walang kayamanan ang lalaking humingi sa kamay ng babae?
A. Binyag C. Lamay
B. Panliligaw D. Pamamanhikan
_____20.Ito ay tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.
A. Impormal C. Pormal
B. Balbal D. Kolokyal
_____21.Ito ay mga salitang ginagamit sa paaralan, sa mga panayam, seminar, gayundin sa pagsulat ng aklat at mga ulat.
A. Impormal C. Pormal
B. Balbal D. Kolokyal
_____22.Ito ay mga salitang naporma mula sa pagtatanggal ng ilang titik o pantig sa isang salita.
A. Balbal C. lalawiganin
B. Kolokyal D. Pormal
_____23.Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o probinsya o kaya ay partikular na pook kung saan nagmula o kilala ang wika.
A. Balbal C. Lalawiganin
B. Kolokyal D. Pormal
_____24.Alin sa mga sumusunod na dayalogo ang gumagamit ng antas ng wika na kolokyal?
A. Iba na talaga ang mga bagets ngayon kaysa noong panahon namin.
B. Tinatawag ka ni Mama. Kaon daw.
C. P’re, baka naman may maipahihiram ka sa akin ngayon.
D. Hindi lamang salapi ang makapagbibigay ng tunay na kasiyahan.
_____25.Alin sa mga sumusunod na dayalogo ang gumagamit ng antas ng wika na lalawiganin?
A. Iba na talaga ang mga bagets ngayon kaysa noong panahon namin.
B. Tinatawag ka ni Mama. Kaon daw.
C. P’re, baka naman may maipahihiram ka sa akin ngayon.
D. Hindi lamang salapi ang makapagbibigay ng tunay na kasiyahan.
_____26. Ano ang karaniwang paksa na tinatalakay sa Alamat?
A. Katapangan at kagitingan
B. Pag-ibig at Kabutihan
C. Kababalaghan at hindi pangkaraniwang pangyayari
D. Lahat ng nabanggit
_____27. Ito ay isang kuwentong -bayan na maaaring pinagmulan ng bagay, pook o pangyayari at maaari rin itong kathang-isip lamang.
A. alamat C. pabula
B. epiko D. duplo
_____28. Ano-ano ang mga taglay na magagandang katangian ng Alamat?
A. Kasamaan at kasakiman
B. Kataksilan at pagiging makasarili
C. Kalinisan ng kalooban, katapatan at katapangan
D. Kabutihan at kasaganahan
_____29. Sila ang mga dayuhan na nagdala ng mga kani-kanilang kulturang nakaambag sa patuloy na pag-unlad ng mga alamat sa ating kapuluan.
A. Amerikano at Arabe C. Tsino at Pakistan
B. Arabe at Malay D. Tsino, Indian at Arabe
_____30. Ito ay pagsasaayos ng mga salita na ayon sa antas o tindi ng kahulugan ng ipinahahayag. Ano ito?
A. Pagkiklino C. Pangulong tudling
B. Pagbasa D. Pang-gramatika
_____31. Ang anak ay (buti)________ kung marunong siyang sumunod sa payo ng magulang. Kaysa maging suwail.
A. nabuti C. mabubuti
B. mabuti D. nabubuti
_____32. Sa ngayon, (marami)________ kabataan ang nalulong sa paglalaro ng video games kaysa noong nagdaang panahon.
A. maraming C. mararami
B. madami D. marami
_____33. Ang tamang paggabay sa mga anak ay (mainam)_________ pa ring paraan ng pagtuturo kaysa sa labis na pamamalo o pananakit ng bata.
A. nainam C. mas mainam
B. maraming mainam D. mainamnam
_____34. Natutuhan natin mula sa binasang alamat na sa lahat pala ng puwedeng gawi ng anak ( masakit)__________ sa isang magulang ang pagsuway ng anak na humahantong sa sarili niyang kapahamakan.
A. pinaka masakit C. mas masakit
B. masasakit D. masakit siya
_____35. Kaya bata, piliin mo sanang maging (masunurin)________ ngayon kaysa noong bago mo mapag-aralan ang ating aralin.
A. lalong masunurin C. pinakamasunurin
B. Higit na masunurin D. mas masunurin
_____36. Ang editoryal ay isang lathalain sa pahayagan o magasin na nagsasaad ng _________.
A. balita. C. kuro-kuro.
B. pakikipagtalo ng editor. D. bajet sa pagpapaimprenta.
_____37. Ang editoryal ay isang artikulong nagbibigay-kahulugan sa __________.
A. balita. C. panahon.
B. paksa. D. pangyayari.
_____38. Ang nangingibabaw sa katangian ng isang editoryal ay ang napapanahong pagtalakay sa __________.
A. mahahalagang balita. C. seguridad ng editor.
B. suliranin ng bansa. D. pagkakaisa ng buong staff.
_____39. Ang editoryal ay kailangang magtaglay ng isa lamang __________.
A. kakintalan. C. ideya.
B. paninindigan. D. tono.
_____40. Nagsisimula muna ang editoryal sa mga detalyeng __________.
A. kilala patungo sa di-kilala.
B. di-kilala patungo sa kilala.
C. kongklusyon patungo sa panimula.
D. mabisa patungo sa kaakit-akit.
_____41. Iniiwasan sa editoryal ang __________.
A. magbigay-puri. C. magpaunawa.
B. manuligsa. D. magbanta.
_____42. Ang editoryal na naglalaman ng katotohanan ng pangyayari ay __________.
A. Nagpapabatid. C. Nagpaparangal.
B. Nagpapakahulugan. D. Nagbibigay ng reporma.
_____43. Pinaparangalan o pinupuri sa editoryal ang mga taong __________.
A. kapapanganak lamang
B. may malaking kontribusyon sa larangang kanyang napili.
C. sumasang-ayon sa balita.
D. sumusulat ng editoryal bilang libangan.
_____44. Sa editoryal, ang wakas ang __________.
A. nagpapakilala ng paksa.
B. nakalilibang.
C. naglalahad ng tahasang sabi.
D. nagbibigay ng tagubilin o mungkahi.
_____45.Sa pagsulat ng editoryal, ang pagtawag-pansin, pagtatanong at pagsasalaysay ay ilan lamang sa magagamit na __________.
A. pamagat. C. katawan.
B. panimula. D. Wakas
_____46. Ito ang nagpapakilala sa mga katangian ng isang bayan at ng kanyang mamamayan.
A. Kultura C. Paniniwala
B. Tradisyon D. Mithiin
_____47. Ito ang iilan sa mga tradisyong isinasagawa natin na may kaugnayan sa relihiyon maliban sa isa:
A. Pagdiriwang ng Pista ng Patron
B. Flores De Mayo
C. SantaCruzan
D. Parada ng mga magagarang kasuotan
_____48. Anong bansa ang may pinakamahabang Pagdiriwang ng Pasko kung saan bahagi na ng tradisyon ang pangangaroling, pagdalo sa siyam na simbang-gabi, at pagsasalo-salo ng pamilya sa noche buena.
A. Amerika C. Italya
B. Pilipinas D. Paris
_____49. Isang uri ng teksto na nagpagpapahayag o nagbibigay ng mga kaalaman o mga kabatiran at kuro-kuro.
A. Impormatibo C. ekspositori
B. Deskriptibo D. persuweysib
_____50. Isang katangian ng mahusay na paglalahad na kailangang may kaugnayan ang lahat ng bahagi ng talata.
A. Kalinawan C. Kaugnayan
B. Katiyakan D. Diin
_____51. 1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinapakasa ng awiting-bayan?
A. pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao
B. kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay
C. ang iba’t ibang damdaming umiiral sa iba’t ibang pagkakataon
D. ang mga asignaturang may kinalaman sa pagpapahalaga.
_____52. Bakit kinakailangang suriin ang kulturang nakapaloob sa mga awiting-bayan?
A. Sapagkat makikita ang husay at galing sa paggawa ng awitin
B. Sapagkat kikita tayo ng malaki sa mga awiting ito.
C. Sapagkat repleksyon ito ng pamumuhay ng mga Pilipino
D. Sapagkat inihahambing dito ang mga awitin ng mga dayuhan
_____53. Paano natin mapapahalagahan ang mga awiting-bayan na sumasalamin sa ating kultura?
A. Sa pamamagitan ng pagbabahagi o pagtuturo
B. Sa pamamagitan ng pagtutuligsa sa mga awitin
C. Sa pamamagitan ng pagpapalit ng liriko
D. Sa pamamagitan ng pagdudugtong katawa-tawang mga salita
_____54. Alin sa mga sumusunod ang mabuting katangian ng mga Pilipino?
A. Maňana Habit C. Ningas Cogon
B. Amor propio D. Magiliw sa Pagtanggap ng bisita
_____55. Ano ang sinisimbolo ng awiting ito?
Sa adlaw ikaw gihiusa. Sa oras sa imung Kasal. Ako didto sab kaniya. Nga
magmalipayun ka. (Sa Adlaw sa Imung kasal)
A. Kapanatagan ng loob C. Pagsisi
B. Kabiguan D. Pagkagalit
_____56. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
A. Talinghaga C. sukat
B. tugma D. pagtutulad
_____57. Ito ay ang paggamit ng masining na salitang nabibigyan ng higit na kariktan ang tula.
A. Talinghaga C. sukat
B. tugma D. pagtutulad
_____58. Ang pagkakapareho o pagkakasintunog ng dulumpantig sa bawat taludtod.
A. Talinghaga C. sukat
B. tugma D. pagtutulad
_____59. Paghahambing ng dalawang magkaiba subalit magkakaugnay na mga bagay at ginagamitan ng mga pariralang tulad ng paris, tila at iba pa.
A. Talinghaga C. sukat
B. tugma D. pagtutulad
_____60. Uri ng tugma na may pagkakaparehong patinig sa huling pantig o dulumpantig subalit nagkakaiba ang huling katinig s bawat taludtod.
A. Tugmang ganap C. tugmang di ganap
B. Metapora (metaphor) D. pagtawag (apostrophe)
NOW AVAILABLE! DLL Quarte 2 Week 6 Click Here
🎉 Special NON-WORKING HOLIDAYS! for November and December 2024 Check it HERE.
0 Comments