SECOND PERIODICAL TEST IN FILIPINO 8
NAME: ____________________________ GR.& SEC._________ SCORE:________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Ito ang tawag sa kaisipang sentro o pangunahing tema sa talata.
A. detalye C. pantulong
B. pangunahin D. panimbang
_____2. Tawag sa mga detalye o impormasyon bilang suporta ng pangunahing kaisipan.
A. detalye C. pantulong
B. pangunahin D. panimbang
_____3. Isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtibay ng katuwiran o rason.
A. pangangatuwiran C. pagpapahayag
B. paglalarawan D. pagtutol
_____4. Mahalagang isaisip natin na ang mga kabataan ngayon ay hindi na nahihirapan sa pagkuha ng pinakabagong impormasyon dahil makikita ito sa pagkaka-organisa ng mga ideya at impormasyong kanilang inilalahad. Kaya sumang-ayon ako na bawat paaralan ay bibigyan ng mga makabagong teknolohiya na magagamit ng mga bata para sa kanilang lubos na ikatuto ng mga aralin.
Ano-anong mga salita ang kaniyang ginamit sa paglalahad ng kanyang katuwiran?
A. sa tingin ko; ay malinaw
B. sumang-ayon ako; dapat lang
C. sumang-ayon ako; lubo sa ikatuto
D. mahalagang isaisip natin; sumang-ayon ako
_____5. Hindi ako sang-ayon na turuan ng sex education ang mga mag-aaral dahil sa murang edad nila ay nagpapataas lamang ito ng kanilang kuryusidad. Higit pa riyan ay marami ng mga kabataan ngayon ang gumawa ng hindi kanais-nais. Anong kataga ang ginamit bilang pagtutol?
A. tama C. hindi ako sang-ayon
B. sang-ayon ako D. hindi iyo ang nararapat
_____6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dahilan kung bakit nangangatuwiran ang isang tao?
A. mabigyang linaw ang isyu
B. maipagtanggol ang sarili
C. makapagbahagi at ng kaalaman
D. mapatunayang mas magaling ka pa sa katunggali
_____7. Sa tingin ko ay malinaw ang ipinakitang halimbawa tungkol sa mga karahasan dahil naayon ito sa mapagkakatiwalaang mapagkunan ng datos na kinakailangan. Ang pahayag na ito ay:
A. nangangatuwiran C. nagpapahayag
B. naglalarawan D. nagtatanong
Bawat bata ay may karapatan. Isa sa mga karapatan ng bata
ay karapatang mabuhay. Magkaroon ng pamilya na
magmamahal at mag-aaruga. Mabigyan ng sapat na
edukasyon. At maipagtanggol at mabigyang proteksyon
laban sa karahasan. Karapatan din ng bata ang
makapagpahayag ng sariling opinyon at pananaw. At higit sa
lahat ang maging malaya!
_____8. Ang pangunahing kaisipan sa talatang ito ay:
A. Magkaroon ng pamilya
B. Bawat bata ay may karapatan
C. Mabigyan ng sapat na edukasyon
D. Maipagtanggol laban sa karahasan
Ang mga paaralan ngayon ay may malaking pagbabago.
Dumarami na ang mga gusali at mga laboratoryo. Hindi rin
nagpapahuli sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya
sa pagtuturo.
_____9. Ang pangunahing kaisipan sa talatang ito ay:
A. Dumarami na ang mga gusali at mga laboratory.
B. Hindi rin nagpapahuli sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagtuturo.
C. Ang mga paaralan ngayon ay may malaking pagbabago.
D. Dumarami na ang mga gusali at gumamit ng teknolohiya
Maraming mga Kalamidad ang dumating sa bansa. Una rito
ay ang sunod-sunod na pagdating ng mga bagyo. Ang lindol
na yumanig sa maraming mga bahay at gusali na nakasisira
sa maraming ari-arian. Ang mga napabalitaang sunog sa mga
kabahaya’t barangay.
_____10.Ang pantulong na kaisipan sa talatang ito ay:
A. sunod-sunod na pagdating ng mga bagyo
B. lindol na yumanig sa maraming mga bahay at gusali
C. napabalitaang sunog sa mga kabahaya’t barangay
D. lahat ng nabanggit
_____11. Ito ay nagpapahayag sa kaisipang tuwirang pinag-uusapan sa buong talata.
A. pantulong C. pasubali
B. pangunahin D. panimbang
_____12. Nagbibigay ng detalye o paliwanag sa isinasaad ng pangunahing kaisipan.
A. pantulong C. pasubali
B. pangunahin D. panimbang
_____13. Alin sa mga sumusunod ang nalilinang ng pangangatuwiran?
A. kagandahan asal at pagtitimpi
B. pagsusuri ng tama at maling katuwiran
C. mabisang pananalita at paghahanay ng kaisipan
D. lahat ng mga nabanggit
_____14. Isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtibay ng katuwiran o rason.
A. pangangatuwiran C. pagpapahayag
B. paglalarawan D. pagtutol
_____15. Hindi ko matanggap kailanman ang mga pagbabagong magdudulot ng kasamaan sa ating lipunan sapagkat nandito tayo sa mundo upang gumawa ng mga pagbabagong makabubuti sa lahat.
Anong hudyat na parirala ang kaniyang ginamit sa pangangatuwiran?
A. makabubuti sa lahat
B. sapagkat nandito tayo sa mundo
C. hindi ko matanggap kailanman
D. tanggap ko ang mga pagbabago
_____16. Lubos akong nanalig sa sinabi mo na ang buhay dito sa mundo ay maganda kung
ang lahat ng tao ay marunong magpatawad at tumanggap ng kapatawaran.
Ano ang pariralang ginamit sa pagtanggap ng pahayag?
A. maganda kung ang lahat ng tao
B. marunong magpatawad at tumanggap ng kapatawaran
C. tunay nga ang sinabi mo
D. lubos akong nanalig
_____17. Maaring hindi kapani-paniwala para sa inyo ang aking pahayag ngunit sa ipinapakita ng estadistika malinaw na marami pa ring karahasan ang nangyayari sa ating lipunan.
Ang pahayag na ito ay:
A. nangangatuwiran C. nagpapahayag
B. naglalarawan D. nagtatanong
May mga pagkakataon na ang mag-aaral ay walang panggastos sa mga proyekto
ng asignatura. Dagdag pa nito ang maraming mga aktibiti at gawain sa paaralan
na nangangailangan ng sapat na panahon para maipasa mo. Paminsan-minsan
kumakalam ang sikmura dahil wala ring sapat na perang pambili ng
masustansiyang pagkain. Ang hirap pumasa sa mga asignaturang nakatuon sa
mga lohika o di kaya’y nangangailangan ng matalas na pag-iisip upang
maunawaan ang mga konsepto. Marami talagang kinakaharap na suliranin ang
isang mag-aaral.
_____18. Ang pangunahing kaisipan sa talatang binasa ay:
A. maraming aktibiti o gawain
B. walang pambili ng pagkain
C. Walang panggastos sa mga proyekto
D. kinakaharap na suliranin ng mag-aaral
Ang tao ay may kakayahang gumawa ng malayang pasya sa mga gustong
mangyari sa kanyang buhay. May kakayahang mag-isip upang tumuklas ng
solusyon sa mga problema. May kamalayang pansarili upang pamahalaan ang
sarili at may pagpapahalaga sa damdamin ng ibang tao. Tunay na iba-iba ang
katangian ng tao.
_____19. Ang sinalungguhitang pangungusap ay:
A. pantulong na kaisipan
B. pandagdag na kaisipan
C. pangunahing kaisipan
D. pansuportang detalye
Iba-iba ang uri ng pambubuskang nararanasan ng mga mag-aaral. Una ay ang
pisikal na pambubuska sa pamamagitan ng panununtok, pananadyak,
panunulak atbp. Mayroon ding tinatawag na berbal na pambubuska;
pambubulyaw, pamamahiya, pananakot. Mayroon ding tinatawag na
cyberbullying. Ito ay pang-aabuso o pamamahiya gamit ang social media.
_____20. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng pantulong na kaisipan?
A. Ang pisikal na pambubuskang panununtok, pananadyak, panunulak
B. Berbal na pambubuska; pambubulyaw, pamamahiya, pananakot
C. Cyberbullying gaya ng pang-aabuso o pamamahiya sa social media.
D. Uri ng pambubuskang nararanasan ng mga mag-aaral
_____21. Hindi mangyayari at ang puso niya’y karugtong ng aking pusong nagdurusa; Puso
ni bulaklak ‘pag iyong kinuha, ang lalagutin mo’y dalawang hininga.
A. nagpapahayag ng opinyon; pagsang-ayon
B. nagpapahayag ng opinyon; pagsalungat
C. nagpapahayag ng katwiran; pagsang-ayon
D. nagpapahayag ng katwiran; pagsalungat
_____22. Kung hahatiin po’y ayoko rin naman, ‘pagkat pati ako’y kusang mamamatay;
A. nagpapahayag ng opinyon; pagsang-ayon
B. nagpapahayag ng opinyon; pagsalungat
C. nagpapahayag ng katwiran; pagsang-ayon
D. nagpapahayag ng katwiran; pagsalungat
_____23. Ganyan din ang hinalang namugad sa aking dibdib; ‘Pagkat napaligaw ang aking pangmasid; Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig ang sa aking panyo’y kaniyang idinilig.
A. nagpapahayag ng opinyon; pagsang-ayon
B. nagpapahayag ng opinyon; pagsalungat
C. nagpapahayag ng katwiran; pagsang-ayon
D. nagpapahayag ng katwiran; pagsalungat
_____24. Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo at sa kasawia’y magkauri tayo; Ako ma’y
mayroong nawawalang bango ng isang bulaklak kaya naparito.
A. nagpapahayag ng opinyon; pagsang-ayon
B. nagpapahayag ng opinyon; pagsalungat
C. nagpapahayag ng katwiran; pagsang-ayon
D. nagpapahayag ng katwiran; pagsalungat
_____25. Huwag kang matuwa sapagkat kaniig niyaring bulaklak na inaaring langit; ‘Pagkat
tantuin mo sa ngalang pag-ibig, malayo ma’t ibig, daig ang malapit.
A. nagpapahayag ng opinyon; pagsang-ayon
B. nagpapahayag ng opinyon; pagsalungat
C. nagpapahayag ng katwiran; pagsang-ayon
D. nagpapahayag ng katwiran; pagsalungat
_____26. Sa paglalahad ng opinyon, makakabuti kung tayo ay may sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusupan upang ________________.
A. paniwalaan ito ng mga taong nakikinig at maibahagi rin sa iba
B. mapagtimbang-timbang ang mga bagay at maging katanggap-tanggap sa iba
C. magamit ng iba sa pakikipag-usap sa kapwa
D. mabigyang solusyon ang mga personal na suliranin ng mga tao sa lipunan
_____27. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga pahayag na naglalahad ng pagsang-ayon maliban sa isa.
A. Kung hindi ako nagkakamali C. Tama ka riyan
B. Lubos kong pinaniniwalaan D. Naniniwala ako sa iyong ideya
_____28. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga pahayag na naglalahad ng pagsalungat maliban sa isa.
A. Mabuti sana iyan subalit C. Kung hindi ako nagkakamali
B. Ikinalulungkot ko ngunit D. Nauunawaan kita subalit
_____29. Isang paraan ang pagsang-ayon o pagsalungat upang maging kapaki-pakinabang ang pakikilahok sa anumang usapan o pagbibigay ng mga opinyon, ideya o kaisipan. Sa paraang ito, mahalagang malaman natin ang mga______________.
A. paksang dapat pag-usapan upang mailahad ang pagsang-ayon at pagsalungat
B. pananalitang dapat gamitin sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat
C. sariling kalakasan at kahinaan pagdating sa paglalahad ng opinyon
D. panlabas na salik na makatutulong sa paglalahad ng opinyon
_____30. Ang paglalahad ng opinyon sa mga pangyayaring nagaganap o namamamalas sa ating paligid ay bahagi na ng _______________.
A. pang-araw-araw na buhay ng tao
B. komunikatibong pangangailangan ng tao
C. emosyonal na bahagi ng buhay ng tao
D. sosyal na pangangailangan ng tao
_____31. Piliin sa ibaba ang pahayag na nagsasaad ng pagsang-ayon.
A. walang katotohanan C. hindi totoong
B. tunay nga D. huwag kang
_____32. Kung ang pahayag ay may pagtanggap o pagpayag sa kausap ng anumang hinihingi, itinatanong o sinasabi; Ang pahayag na ito ay_____.
A. pagsalungat C. pagsang-ayon
B. pagsang-ayon at Pagsalungat D. paglalahad
_____33. Naaalala ko kaagad kaya ayaw ko ang pahayag na iyan. Alin sa pangungusap na ito ang nagsasaad ng pagsalungat?
A. naaalala ko C. kaagad
B. ayaw ko ang pahayag na D. pahayag na
_____34. Huwag kang lumabag sa utos ng Diyos. Alin sa pangungusap na ito ang nagsasaad ng hudyat ng pagsalungat?
A. ng Diyos C. sa utos
B. huwag kang D. lumabag
_____35. Tunay nga na ang kaligayahan at tagumpay ay makakamit sa pagkakaroon ng kalinisan at kabutihan ng loob. Saang pahayag ito napabilang?
A. pagsalaysay C. pagsalungat at pagsang-ayon
B. pagsang-ayon D. pagsalungat
_____36. Tumutukoy ito sa literal na kahulugan ng isang salita?
A. konotatibo/konotasyon C. kasingkahulugan
B. denotatibo/Denotasyon D. kasalungat
_____37. Tawag sa mga pahiwatig o simbolo na ikinakabit sa isang salita?
A. konotatibo/konotasyon C. kasingkahulugan
B. denotatibo/Denotasyon D. kasalungat
_____38. Marapat lamang na igalang at mahalin ang mga ilaw ng tahanan. Dahil tayong lahat ay nanggaling sa kanilang sinapupunan. Ang sinalungguhitang parirala ay nangangahulugang?
A. liwanag C. ina
B. ama D. lampara
_____39. Itinampok sa Kapuso mo Jessica Sojo kamakailan ang istorya tungkol sa dambuhalang ahas na lumalamon ng isang buong baboy. Ang literal na kahulugan ng sakitang sinalungguhitan ay ?
A. hayop na makamandag C. nakatatakot
B. taong trahidor D. mapanganib
_____40. Dapat pinatalsik sa puwesto ang mga nakaupong buwaya. Ang buwaya
rito ay nangangahulugang?
A. reptilya na nakatira sa lupa at tubig
B. mga taong may kaliskis sa balat
C. uri ng pagkain ng mga tao
D. mga taong ganid o kurakot
_____41. Isang dula na may kantahan at sayawan.
A. Alamat C. Epiko
B. Sarsuwela D. Maikling Kuwento
_____42. Sumikat ang sarsuwela sa panahon ng pananakop ng...
A. Africa C. Pilipinas
B. Amerika D. Espanya
_____43. Dulang tungkol sa pagmamahal sa bayan sa gitna ng pananakop ng mga dayuhan.
A. Ako ang Daigdig C. Bayan Ko
B. Si Mabuti D. Walang Sugat
_____44. Sino ang may-akda ng dulang Walang Sugat?
A. Severino Reyes C. Ligaya B. Cion
B. Alfonso Santiago D. Salvador Barros
_____45. Ayon sa kasaysayan saan hinango ng mga Espanyol ang sarsuwela?
A. dula ng Germany C. pelikula ng Amerika
B. opera ng Italya D. awit ng Pilipinas
Hanging dumaan lamang sa pandinig ng mga mamamayan ang babala ng pamahalaan na lumikas habang paparating ang malakas na bagyo kaya sila rin ang nasisisi nang hindi nila naiwasan ang pagkalunod sa baha. |
_____46. A. Malakas ang ihip ng hangin.
B. Pagbabale-wala sa narinig o napakinggan
C. May kapansanan sa pandinig
D. Naguguluhan sa sinabi ng iba
Nanlisik ang mga mata ng isang ale nang nakita niyang pinagkaisahang saktan ng mga tao ang asong gala. |
_____47. A Galit na galit
B. Nagugulat
C. Nalaglag ang mga mata.
D. Dilat na dilat ang mga mata ng ale.
Bakit kaya nalihis ng daan ang butihing anak? |
_____48. A. Nawala sa gitna ng kalsada
B. Naabutan ng dilim habang naglalakad pauwi
C. Nagkamali sa pagtunton sa bahay
D. Napasama/naging masama
Talagang mawawasak ang puso ng mga magulang kung ang anak ay mapariwara, hindi makapagtapos sa pag-aaral at lalo na kung mag-aasawa sa murang edad. |
_____49. A. Nagkasakit sa puso
B. Umiibig nang tunay
C. Nasasaktan nang labis
D. Sasabog ang puso dahil sa sakit
Lumulutang sa ulap ang mga magulang nang ginawaran ang kanilang anak bilang batang bayani sa makabagong panahon. |
_____50. A. Litong-lito
B. Nakasakay sa eroplano
C. Nakalambitin
D. Masayang-masaya
_____51. Sa pagbukas ng tabing ay makikita ang salas ng inuupahang aksesorya ng mga Cortez sa Sta. Cruz, Maynila. Maluwang ang salas na kakikitaan ng mga mamahali’t makabagong muwebles, tebesisyon, wifi atb. Kaagad mahihinuhang may mabuting panlasa ang mga nakatira rito. Anong uri ng pahayag ang akdang nabasa?.
A. Paglalahad C. paglalarawan
B. pagsasalaysay D. pangangatwiran
_____52. Aling pahayag ang nagsasaad ng paglalahad?
A. Sinundan ng pulis ang holdaper na pumasok sa loob ng gubat.
B. Hindi si Resty nakapasok sa paaralan dahil nag-away sila ng tatay niya.
C. Ang balagtasan ay isang uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang
paksa.
D. Sinunog ng mga kawani ng pamahalaan ang gabundok na basura na matatagpuan sa Sitio
Malinis.
_____53. Ano ang pinakapaksa ng mga ideyang ito: kahirapan ng kabataan sa pagbasa, mga salik sa pagbagsak ng maraming estudyante, epekto ng internet sa pag- aaral, depektibong pakikinig ng mga mag-aaral, at iba’t ibang bisyo ng kabataan.
A. Mga pagsubok sa guro
B. Pagkalulong ng kabataan sa internet
C. Mababang performance ng mga mag-aaral
D. Pagkilala sa mga mag-aaral
_____54. Isa sa iyong kaklase ang napansin mong walang kainte-interes sa pag-aaral ng mga panitikang umusbong at lumaganap sa Panahon ng Komonwelt. Sa tuwing talakayan sa klase,napupuna mong di niya pinakikinggan ang paliwanag ng guro. Hanggang sa malaman mong nagbibigay ito ng mga negatibong komento sa mga paksang tinalakay. Ayaw mong malaman ito ng iyong guro dahil ayaw mong madagdagan pa ang pinapasan nilang trabaho. Anong pasiya ang
pinakamainam mong gawin?
A. Magsawalang-kibo lamang dahil sa panahon ngayon, matutong huwag maki-alam sa
problema ng iba at baka ika’y awayin pa.
B. Buong suyong kausapin ang kaklaseng ito upang malaman at maunawaan ang tunay na
dahilan ng gayong negatibong ugali.
C. Hintayin na lamang kung kailan mapapansin ng guro ang negatibong reaksyon ng kaklase
at hayaang siya ang lumutas nito.
D. Sugurin ang kaklase at sabihin sa harapan ng mga kaklase na huwag nang pumasok sa
paaralan kung ganyan din lang ang ugali.
_____55. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga iba’t ibang salitang ginagagamit sa pagpapahayag?
A. pagpapaliwanag C. paglalahad
B. pagdidikta D. paglalarawan
_____56. Ito ang tulang walang sukat at walang tugma.
A. Malayang taludturan C. Moderno
B. Blangko Berso D. Tradisyunal
_____57. Ang tulang may sukat ngunit walang tugma ay ang ____.
A. Tradisyunal C. Malayang Taludturan
B. Moderno D. Blangko Berso
_____58. Ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang may malalim na
kahulugan.
A. Moderno C. Blangko Berso
B. Tradisyunal D. Malayang taludturan
_____59. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang salita at tayutay.
A. Talinghaga C. Tugma
B. Tema D. Sukat
_____60. Ito ang paksa ng tula. Ito ay maaaring tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo, kabayanihan, kalayaan, katarungan, pagmamahal sa kalikasan, Diyos, bayan, sa kapwa at marami
pang iba.
A. Sukat C. Tema
B. Tono D. Anyo
LOOK! SEPTEMBER 2024 LET RESULTS Click Here
🎉 GOOD NEWS! Updates on the 2024 Service Recognition Incentives Check it HERE.
1 Comments
Hello Po ma'am/sir , Yung answer key Po ng Filipino 8 ay para Po sa Aralin Panlipunan 8... Pwd Po ba makahingi ng update
ReplyDelete