Ad Code

FREE DOWNLOAD SECOND QUARTER EXAM in EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 10 WITH TOS School Year 2022-2023

FREE DOWNLOAD SECOND QUARTER EXAM in EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 10 WITH TOS  School Year 2022-2023

👇👇👇Click the link below to DOWNLOAD FILE👇👇👇

What's inside the EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (ESP 10) Grade 10 periodical exam?

SECOND PERIODICAL TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10


NAME: ____________________________ GR.& SEC._________  SCORE:________ 


_____1. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang matandang drayber dahil sa hindi pagparada nang tama ng kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan nang hindi maganda ang matandang drayber ay naroon sa tabi niya ang kaniyang paslit na apo.

               A. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.

               B. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para mamagitan sa kanila.

               C. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber. Pagsasabihan ko sila na tumigil na.

               D. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.

_____2. Kayong magkaka-eskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na hindi maikakailang may kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na.

               A. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang naghihintay siya ng 

                     malulugaran.

               B. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa aking mga ka-eskwela.

               C. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga taong may 

                     kapansanan.

               D. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang hindi pa siya 

                     nakakahanap ng lugar sa kainan.

_____3. Bunga ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.

               A. Makataong kilos                   C. Sirkumstansya

               B. Kahihinatnan                         D. Paninindigan

_____4. Ang kilos ay nagpakita ng pagkukusang kilos

               A. Voluntary Act                       C. Imputable

               B. Paninindigan                         D. Kilos ng Tao

_____5. Mga kilos na nagaganap sa tao, likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob.

               A. Makataong kilos                    C. Voluntary Act

               B. Kilos ng tao                           D. Kahihinatnan

_____6. Bakit kailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating pagkilos?

               A. Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya.

               B. Sa pagbibigay sa kapuwa, tumatanggap din tayo.

               C. Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sa iyo.

               D. Lahat ng nabanggit.

_____7. Hindi maaaring sabihin sa isang taong nagugutom na ipagdasal niya ang kanyang pagdurusa. Kailangan ay

               A. Manalangin ka rin upang maibsan ang kanyang gutom.

               B. Makiramay ka sa kanyang gutom na nadarama.

               C. May gawin ka upang maibsan ang kanyang gutom.

               D. Tumawag ng ibang taong maaaring tumulong sa kanyang pagdurusa.

_____8. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksyon ang isang tao?

               A. Upang siya ay hindi maligaw.

               B. Upang matanaw niya ang hinaharap.

               C.Upang mayroon siyang gabay.

               D. Upang magkaroon siya ng kasiyahan.

_____9. “Nag-iiwan tayo ng marka sa bawat kilos ng kabutihang ating ginagawa.” Ano ang ibig sabihin nito?

               A. Iginuguhit sa palad ng tao ang kanyang mga ginagawa.

               B. Nakikilala ang ginawang kabutihang ginagawa natin sa ating kapwa.

               C. Nararamdaman ng tao ang iyong kabutihan.

               D. Ang gawang mabuti ay nakaguhit sa ating buhay.

_____10. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa kadahilanang itinakbo nito ang pagkain nila na nasa hapag-kainan.

               A. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.

               B. Kukuhanan ko ng video ang pangyayari at ia-upload sa YouTube.

               C. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalo pang masaktan ang pusa.

               D. Papanoorin ko na lang ang pananakit ng matanda dahil maysala ang pusa.

_____11. Isang mahirap na kapitbahay mo ang ooperahan at nangangailangan ng dugo gaya ng “type” mo.

               A. Magpakuha ka ng dugo at magpabili ng masarap at mamahaling pagkain.

               B. Magpakuha ng dugo sa pinakamababang halaga lang.

               C. Magpakuha ka ng dugo ng walang anuman.

               D. Pipiliin ang taong tutulungan.

_____12. May isang pasahero ng bus na buntis. Nakatayo siya dahil wala na siyang maupuan.

               A. Di mo papansinin .

               B. Ibibigay mo sa buntis ang upuan mo.

               C. Utusan ang katabi upang tumayo at ibigay ang kanyang upuan sa buntis.

               D. Magtulog-tulugan upang hindi mapansin ang buntis.

_____13. Nalaman mong mabaho ang hininga ng isa mong kaibigan. Ano ang iyong gagawin?

               A. Iiwasan ko siya.

               B. Ikakalat ang nalaman sa ibang tao.

               C. Kakausapin ko siya ng dahan-dahan tungkol sa problema niya.

               D. Pagagalitan ko siya dahil hindi ito malinis sa katawan.

_____14. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay halaga sa isang kapwa?

               A. Dapat umalis kaagad kung nag-uumpisa nang magsalita ang isang tao.

               B. Dapat makinig habang may nagsasalita.

               C. Dapat sabayan ng pagtulog ang pakikinig sa nagsasalita.

               D. Dapat magsasalita rin kung may nagsasalita.

_____15. Nangopya si Cely sa katabi niya. Nahuli siya ng guro at nagalit sa kanya. Ano ang kanyang dapat gawin?

               A. Iiyak at magsumbong sa magulang.

               B. Humingi ng paumanhin at mangakong di na ito uulitin.

               C. Tawanan lang niya ang guro.

               D. Magsumbong si Cely sa punong-guro ng paaralan na pinagalitan siya.

_____16. Nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa

               A. Kilos ng tao                         C. Bigat (degree)

               B. Makataong kilos                   D. Paninindigan

_____17. Nasa ilalim ng kaalaman at kalayaan na tinatamasa

               A. Degree of Willfulness o Voluntariness

               B. Ang Kautusang Walang pasubali ni Immanuel Kant

               C. Paninindigan

               D. Ang Gintong Aral (The Golden Rule)

_____18. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mas mataas na pagpapahalaga?

               A. Ang pagtulong sa kapuwa ay daan upang tulungan ka rin nila.

               B. Ang pagtulong sa kapuwa ay nakapagbibigay kasiyahan sa sarili.

               C. Ang pagtulong sa kapuwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod.

               D. Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama.

_____19. Tinulak ka ng iyong kaklase habang tumatawa ang iba. Galit sila sa iyo. Ano ang gagawin mo?

               A. Kakausapin sila ng mahinahon upang malaman ang problema.

               B. Lalayo na lang at kimkimin ang galit.

               C. Hahanap ng panahon upang makapag-usap.

               D. Magsusumbong sa mga barkada.

_____20. Ang kanal sa inyong barangay ay barado kaya’t tuwing uulan ay umaagos ang tubig sa kalsada. Libre ka kung Sabado at Linggo sa anumang gawain. Ano ang mabuti mong gawin?

               A. I-report sa Kapitan ng Barangay ang tungkol dito.

               B. Simulan ang pag-aalis ng bara sa tapat ng bahay mo.

               C. Kausapin ang mga kabataan at pagtulong- tulungang alisin ang bara.

               D. Hayaang makita ito ng mga kinauukulan at sila ang gumawa ng paraan.

_____21. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig na kamangmangan?

               A. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang-aralin ang 

                    kanilang-guro.

               B. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok.

               C. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang kanilang 

                    guro.

               D. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na iyon.

_____22. Alin sa mga ito ang kilos na bawas ang pananagutan dahil sa takot?

               A. Ang pagnanakaw ng kotse.

               B. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera.

               C. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.

               D. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok.

_____23. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan?

               A. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos

               B. Dahil sa kahinaan ng isang tao

               C. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip

               D. Dahil hindi kayang mapektuhan ang kilos-loob

_____24. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?

               A. Panliligaw sa crush.

               B. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko.

               C. Pagsugod sa bahay ng kaalitan.

               D. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha.

_____25. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?

               A. Paglilinis ng ilong               C. Pagsusugal

               B. Pagpasok nang maaga         D. Maalimpungatan sa gabi

_____26. Ang paggawa ng tama o mali ay nangangailangan ng mapanuring pag-iisip. Ano

ang maselan na tagapagturo ng tama at mabuti?

               A. kaibigan                          C. kayamanan

               B. karanasan                        D. katanyagan

_____27. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating pagkilos?

               A. Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya.

               B. Sa pagbibigay sa kapuwa, tumatanggap din tayo.

               C. Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sa iyo.

               D. Lahat ng nabanggit.

_____28. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mas mataas na pagpapahalaga?

               A. Ang pagtulong sa kapuwa ay daan upang tulungan ka rin nila.

               B. Ang pagtulong sa kapuwa ay nakapagbibigay kasiyahan sa sarili.

               C. Ang pagtulong sa kapuwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod.

               D. Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama.

_____29. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?

               A. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina.

               B. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob.

               C. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili.

               D. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan.

_____30. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin?

               A. Isaisip ang mga posibilidad

               B. Maghanap ng ibang kaalaman

               C. Umasa at magtiwala sa Diyos

               D. Tingnan ang kalooban

_____31. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?

               A. Isip at Kilos-loob

               B. Intensiyon at Layunin

               C. Paghuhusga at Pagpili

               D. Sanhi at Bunga

_____32. Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gustong magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Mary Rose?

               A. Intensiyon ng layunin

               B. Nais ng layunin

               C. Pagkaunawa sa layunin

               D. Praktikal na paghuhusga sa pagpili

_____33. Gamit ang halimbawa sa bilang 2. Pinag-isipan ni Mary Rose ang iba’t ibang paraan upang mabili niya ang sapatos? Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-iipon o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Mary Rose?

               A. Intensiyon ng layunin

               B. Pagkaunawa sa layunin

               C. Paghuhusga sa nais makamtan

               D. Masusing pagsusuri ng paraan

_____34. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?

               A. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.

               B. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.

               C. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.

               D. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili.

_____35. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?

               A. Upang magsilbing gabay sa buhay.

               B. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.

               C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.

               D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

_____36. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?

               A. Tingnan ang kalooban

               B. Magkalap ng patunay

               C. Isaisip ang posibilidad

               D. Maghanap ng ibang kaalaman

_____37. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin?

               A. Isaisip ang mga posibilidad

               B. Maghanap ng ibang kaalaman

               C. Umasa at magtiwala sa Diyos

               D. Tingnan ang kalooban

_____38. Niyaya si Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang sa isang computer shop. Hindi kaagad sumagot ng oo si Alfred bagkus ito ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Alfred?

               A. Isaisip ang mga posibilidad

               B. Maghanap ng ibang kaalaman

               C. Tingnan ang kalooban

               D. Magkalap ng patunay

_____39. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo kung ang iyong pasiya, makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya?

               A. Magkalap ng patunay

               B. Maghanap ng ibang kaalaman

               C. Tingnan ang kalooban

               D. Umasa at magtiwala sa Diyos

_____40. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong

ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan?

Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Amir?

               A. Tingnan ang kalooban

               B. Isaisip ang posibilidad

               C. Maghanap ng ibang kaalaman

               D. Umasa at magtiwala sa Diyos

_____41. Malapit na ang iyong kaarawan. Pinaghandaan mo ang araw na iyon na bibilhin mo ang cellphone na gustong-gusto mo bilang regalo sa iyong sarili. Subalit nalaman mo na kulang ang perang pambayad sa kuryente ng iyong ina. Anong bahagi ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya ang paiiralin sa sitwasyong ito?

               A. Isaisip ang mga posibilidad

               B. Tingnan ang kalooban

               C. Magsagawa ng pasiya

               D. Maghanap ng ibang kaalaman

_____42. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik sa pagpapasya?

               A. Impormasyon                      C. Damdamin

               B. Sitwasyon                            D. Payo

_____43. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang inyong pamilya ay dumaranas ng matinding pagsubok sa buhay. Ginawa na lahat ng makakaya ng pamilya upang maligtas ang buhay ng iyong kapatid dahil sa matinding sakit na kanyang dinaranas ngayon. Awang-awa ka sa iyong kapatid at gusto mong makatulong subalit wala kang magawa. Anong proseso ng pakikinig ang dapat gamitin ng pamilya?

               A. Magsagawa ng pasiya

               B. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos

               C. Magkalap ng patunay

               D. Isaisip ang mga posibilidad

_____44. Kung ikaw ay naguguluhan sa iyong pagpapasya dahil sa nagtutunggaliang katwiran sa iyong isipan, maaaring:

               A. Huwag ka nang gumawa ng pasya.

               B. Konsultahin ang iyong magulang, kapatid, guro, o pari, pastor o ministro.

               C. Gayahin ang pasya ng iba.

               D. Ituloy pa rin ang pasya at bahala na ang resulta at epekto nito.

_____45. Sa gitna ng suliranin, pagsubok at alalahanin, mahalagang magkaroon ng kapanatagan ng loob at tamang pagpapasya. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng wastong pagharap sa suliranin?

               A. Hindi papansinin ang problema

               B. Humingi ng payo sa nakakatanda

               C. Umiyak na lamang dahil sa problema

               D. Manalangin sa Panginoon upang maliwanagan ang isipan

_____46. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.

               A. pasiya

               B. kilos

C. kakayahan

D. damdamin

_____47. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto.

Tomas de Aquino?

               A. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.

               B. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran.

               C. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.

               D. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama.

_____48. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos-loob?

               A. Umunawa at magsuri ng impormasyon.

               B. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip.

               C. Tumulong sa kilos ng isang tao.

               D. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.

_____49. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansya?

               A. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginawa ay 

                   nakaaapekto sa kabutihan.

               B. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.

               C. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.

               D. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos.

_____50. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin?

               A. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos.

               B. Ito ang pinakatunguhin ng kilos.

               C. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.

               D. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.

_____51. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng

kilos maliban sa _____________.

               A. Ang lahat ng ginawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at kaakibat na pananagutan.

               B. Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito.

               C. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa.

               D. Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpaplano upang makita ang mga bagay na dapat 

                  isaalang-alang.

_____52. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.

               A. Layunin

               B. Paraan

C. Sirkumstansya

D. Kahihinatnan

_____53. Bakit hindi maaaring paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos?

               A. Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang 

                   panlabas.

               B. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos.

               C. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.

               D. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos.

_____54. Ang kilos, anuman ang intensyon ay kinakailangang maging tama. Gusto mo man na pakainin ang nagugutom kung ang pinagkunan mo ng laang salapi ay masama, wala rin itong silbi. Ano ang ipinahiwatig nito?

               A. Ang kilos ay repleksyon ng ating intensyon.

               B. Ang tamang intensyon ay dapat tumbasan ng kahit anong kilos.

               C. Mas mabuting mangupit para ibili ng pagkain kaysa magutom.

               D. Ang kilos ay mas mahalagang pamantayang moral kaysa intensyon.

_____55. Tumunog nang malakas ang cellphone ni Ana habang nasa kalagitnaan ng pagsesermon ang pari. Nagtinginan ang mga tao at napahiya si Ana. Anong bahagi ng kilos ang hindi tama.

               A. Ang sitwasyon o kondisyon

               B. Ang partikular na kilos o gawain

               C. Ang pagpili ng alternatibo

               D. Ang layunin o intensyon ng kilos

_____56. Alin ang mas matatag na batayan ng pagiging mabuti o masama ng isang kilos ayon sa pananaw ni Immanuel Kant?

               A. Ang mabuting bunga ng kilos.

               B. Ang layunin ng isang mabuting tao.

               C. Ang makita ang kilos bilang isang tungkulin.

               D. Ang pagsunod sa mga batas na nagtataguyod ng mabuting kilos.

_____57. Inabot ni Tonton ang isang libong piso matapos kwentahan ni Aling Rosie ang halaga ng binili niya sa tindahan. Umabot ng halagang Php 879.50 ang kabayaran nito. Nang bilangin niya ang sukli, nalaman niyang sobra ito ng Php 150.00. Kung ikaw si Tonton , paano mo magagamit dito ang mga natutunan mo sa pagpapahalaga na gawin ang tamang kilos?

               A. Manahimik lang, itago sa bulsa ang sukli at uuwi kaagad.

               B. Sasabihin kaagad sa tindera na tama lang ang kanyang sukli.

               C. Hindi na iimik, itago sa bulsa ang sukli at magmamadali sa pag-uwi.

               D. Ipaalam mo kaagad sa tindera ang katotohanan na sobra ang kanyang sukli.

_____58. Anong paninindigan ang hindi ipinakikita kung tamad ang isang tao na mag-aral?

               A. Ang pag-aaral ay sagot sa kahirapan.

               B. Ang pag-aaral ay para sa mga nagnanais yumaman.

               C. Ang pag-aaral ay nakatutulong sa pagtuklas sa katotohanan.

               D. Ang pag-aaral ay para sa mga matatalino at masisipag pumasok sa paaralan.

_____59. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit hindi maituturing na isang paninindigan ang pangongopya tuwing may pagsusulit o sa paggawa ng takdang-aralin maliban sa:

               A. Hindi ito patas sa mga kaklaseng nag-aaral nang mabuti.

               B. Hindi ito katanggap-tanggap sa mga guro na gumaganap sa kanilang tungkulin.

               C. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na pumasa at makakuha ng mataas na marka.

               D. Nawawalan ng saysay ang pag-aaral, pagsusulit at paglikha ng orihinal na bagay.

_____60. Kapag natalo ka sa isang laro, ano ang dapat mong gawin?

               A. Malungkot at manghusga.

               B. Magalit sa sarili at sisihin ang pagkatalo.

               C. Kalimutan ang pagkatalo at batiin ang nanalo.

               D. Ipagsigawan na may dayaan sa katatapos lamang na laro.



ANSWER KEY -DOWNLOAD
TABLE OF SPECIFICATION-DOWNLOAD

NOTE: These Periodical Tests can be downloaded for free. This site gives full credit to the writers of these files. You may improve these tests to better fit your learners and the competencies taught.

Post a Comment

0 Comments

Close Menu

LOOK! SEPTEMBER 2024 LET RESULTS Click Here

×