SECOND QUARTER EXAM in Filipino sa Piling Larangan Tech-Voc
School Year 2022-2023
Name: _______________________________________ Date:____________________
Grade &Section:_______________________________ Score:___________________
General Directions: Read the following questions thoroughly and choose the correct answer from the given choices. Write legibly the LETTER of your correct answer on the blank provided before each number.
_______1. Sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto, alin sa sumusunod ang angkop
na kinakailangang simulain?
A. Paglalarawan ang manunulat
B. Pagsasalaysay ang manunulat
C. Pangangatwiran ang manunulat
D. Mga kinakailangang datos ang manunulat
_______2. Paano mapapanatili ang angkop na pagkakabuo ng pangungusap sa
pagsulat ng deskripsyon ng produkto?
A. Maging payak
B. Gumamit ng kolokyal na salita
C. Isama ang mga Teknikal na salita
D. Bigyang pansin ang mga salitang naglalarawan sa isnag produkto
_______3. Sa nilalaman ng isang deskripsyon ng produkto, ano ang pangunahing
tungkulin ng mga katawagang teknikal batay sa maayos na
paglalarawan?
A. Maipabatid ang kaalaman sa mga mamimili.
B. Magbigay ng kaukulang pang-akit sa mamimili.
C. Mabigyan ng kaukulang kahulugan ang bawat salita.
D. Maayos na magamit ito sa paglalarawan ng isang produkto.
_______4. Ano ang gamit ng ilustrasyon sa paglalarawan ng isang produkto?
A. Mapukaw ang interes ng mamimili.
B. Maipakita ang mga benepisyo ng produkto.
C. Maipakita ang orihinalidad nito sa karamiha
D. Maipakita ang kabuoang nilalaman ng produkto.
_______5. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kahalagahan ng deskripsyon
ng isang produkto?
A. Masuri at makilatis ang isang produkto.
B. Maipakilala ang nilalaman at benepisyo nito.
C. Magbigay ng masining na paglalarawan sa mamimili.
D. Mabatid ang kahalagahan nito sa pansariling pangangailangan
_______6. Bilang mamimili ng isang produkto, ano ang pangunahing impormasyon
ang kinakailangan na mabatid?
A. Nilalaman, kulay, at presyo
B. Katangian, kulay, sukat, at benipisyo
C. Nilalaman, presyo, at pinagmulang pagawaan
D. Benepisyo, katangian, gamit o estilo, at presyo
_______7. Ano ang pangunahing tungkulin ng isang produkto sa isang mamimili?
A. Maipakilala ang orihinalidad nito batay sa pagkakabuo.
B. Maipakita ang kabuoang benepisyo nito sa pangkalahatan.
C. Matugunan ang mga impormasyon na nais maipabatid o maipakilala
D. Maipabatid sa mamimili ang angkop na produkto batay sa kanilang
pangangailangan.
_______ 8. Bakit kinakailangan ng masusing pananaliksik sa mga salita o
terminolohiya sa pagbuo ng paglalarawan sa isang produkto?
A. Upang makabuo ng isang masining at teknikal na paglalarawan
B. Upang maihanay ang mga ito sa kabuoang disenyo ng produkto
C. Upang mabilis na mahikayat ang mamimili sa nilalaman ng produkto
D. Upang maisaayos ang mga ito batay sa malinaw na pagpapakahulugan ng mga
teknikal na salita
_______9. Paano isusulat ang mga teknikal na salita sa pagbuo ng deskripsyon
ng produkto?
A. Isulat ito ng buo.
B. Isulat ito ng tuwiran.
C. Isulat ito na may kasamang kahulugan.
D. Isulat ito batay sa salin ng iba pang wika.
_______10. Paano maiaangkop ang teknikal na mga slita sa pagkakabuo ng
paglalarawan ng isang produkto
A. Batay sa gamit C. Batay sa benepisyo
B. Batay sa halaga D. Batay kabuoan at nilalaman nito
_______11. Sa pagsunod sa tamang tuntunin mula sa masinop na pagsulat sa
ilalim ng paglalarawan ng isang bagay o produkto, ano ang
kinakailangang tandaan?
A. Isinusulat sa malaking titik ang ikalawang pangalan ng produkto, mga tatak o
brandnames, at trademarks.
B. Isinusulat sa malaking titik ang ikalawang pangalan ng produkto, mga tatak o
brandnames, at trademarks.
C. Isinusulat sa malaking titik ang simula ng mga pangalan ng produkto, mga tatak o
brandnames, at trademarks.
D. Isinusulat sa maliit na titik ang simula ng mga pangalan ng produkto, mga tatak o
brandnames, at trademarks.
_______12. Ano ang kahalagahan ng maayos na paggamit ng teknikal na salita sa
loob ng pangungusap sa pagbuo ng deskripsyon ng produkto?
A. makatulong sa katangiang taglay ng produkto.
B. makabuo ng isang tuwirang pagpapakahulugan.
C. mabilis na maintindihan ng mamimili ang nais ilarawan ng produktong ibebenta.
D. makabuo nang maayos na paglalarawan mula sa hinihinging benepisyo ng
produkto.
4
_______13. Sino ang nararapat na pokus ng deskripsyon ng produkto upang
makatugon sa kabuoang serbisyo nito?
A. Target na mamimili C. Nilalaman ng produkto
B. Manunulat D. Teknikal na mga salita
_______14. Anong salita ang maaaring magamit upang magkaroon ng orihinalidad
ang kabuong katangian ng produkto?
.
A. Mas nakahihigit C. Mas kakaiba
B. Mas nakaangat D. Mas nakakatawag-pansin
_______15. Paano makukuha ang interes ng isang mamimili sa isang produkto?
A. Dalhin ang mamimili sa likhang sining mula sa paglalarawan ng isang produkto.
B. Dalhin ang mamimili sa likhang panulat mula sa paglalarawan ng isang produkto.
C. Dalhin ang mamimili sa likhang produkto mula sa paglalarawan ng isang produkto.
D. Dalhin ang mamimili sa likhang imahinasyon mula sa paglalarawan ng isang
produkto.
_______16. Ano ang kinakailangang nilalaman ng isang produkto upang higit na
makilala ito bilang tugon sa personal na pangangailangan ng mamimili?
A. Ito ay naglalaman ng mga larawan na may maayos na pagsasalaysay.
B. Ito ay naglalaman ng pagkakasunod-sunod na pamamaraan ng paggamit.
C. Ito ay naglalaman ng sistematikong paglalarawan batay sa kabuoang serbisyo
nito.
D. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang teknikal na mga salita na madaling mabatid ng
mambabasa mula sa produkto.
_______17. Ano ang tungkulin ng kasanayang teknikal sa pagsulat ng isang
deskripsyon ng isang produkto?
A. Maayos na mailahad ang pangunahing layunin ng produkto
B. Mailapit ang kabuoang interes sa pag-unawa ng isang mamimili.
C. Isa-isahin nang maayos ang mga tiyak na katangiang nais ilahad.
D. Pagpapangkat batay sa antas ng kahulugan sa nilalaman ng isang produkto.
_______18. Ano ang magiging bunga sa mamimili ng isang produkto kung ang
pagiging payak at makatotohanan ang nilalaman ng isinulat na deskripsyon?
A. Magbibigay ito ng mabilis na pamukaw interes.
B. Magbibigay ito ng malinaw na pagkaunawa sa mamimili.
C. Magkakaroon ito ng kalituhan sa kabuoan ng produkto.
D. Magbibigay ito ng pagkakataon na tumingin pa ang mamimili sa iba pang produkto.
_______19. Batay sa istruktura ng paglalahad ng isang produkto, paano ito
nabubuo?
A. Payak at detalyadong pagsasalaysay
B. Tuwiran at detalyadong paglalarawan
C. Tuwiran at sistematikong paglalahad
D. Di-tuwiran at teknikal na paglalarawan
_______20. Anong uri ng wika ang ginagamit sa pagsulat ng kabuoang deskripsyon
ng produkto?
A. Kolokyal C. Tuwiran
B. Payak D. Pormal
_______21. Sa pagtatayo ng negosyo nangangailangan ito ng sapat paghahanda laban sa mga banta at balakid. At para maisasakatuparan ang plano sa pagnenegosyo malaki ang maitutulong ng ____________.
A. Pagsusuri ng sistema C. Pagtukoy ng programa
B. Pagtukoy ng proyekto D. Pagsusuring feasibility
_______22. Ang pagdedesisyon ukol sa papasuking negosyo ay natutukoy ____________.
A. Matapos isagawa ang feasibility study
B. Habang isinasagawa ang feasibility study
C. Matapos makausap ang mga supplier ng produkto
D. Isang araw bago ilunsad ang proyekto sa pagnenegosyo
_______23. Ang pagsusuring feasibility ay isinasagawa ng ____________.
A. Mga kapitalistang mamumuhunan sa itatayong negosyo.
B. May-ari ng uupahang puwesto para sa itatayong negosyo.
C. May-ari ng negosyo para matiyak ang paghahanda sa mga balakid.
D. System analyst na kinonsulta ng may-ari ng magtatayo ng negosyo
_______24. Ang pangunahing layunin ng feasibility study ay ____________.
A. Tumulong sa pamamahala ng itatayong negosyo
B. Masuri kung kakayaning tugunan ang mga kinakailangan sa pagnenegosyo
C. Masuri kung kakayaning tugunan ang mga kakailanganin sa pagnenegosyo
D. Tumulong sa paghahanap ng mga potential investors na handang maglaan ng
bahagi ng kaniyang salapi para sa negosyo
_______25. Ang feasibility study ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon maliban sa ________.
A. Pangalan at logo ng itatayong negosyo
B. Daloy at proseso ng pagsusuri at pag-aaral
C. Estratehiya ng mga makakalaban sa negosyo
D. Alternatibong plano sa napipintong balakid na kahaharapin
_______26. Mahalagang matukoy ang pangkat na magpapatakbo ng negosyo. At sa hanay ng _________ makikilala ang mga gaganap sa tungkuling ito.
A. Mapagkukunan (Resources)
B. Rekomendasyon (Recommendations)
C. Mamamahala (Management and Teams)
D. pagtutuos at paglalaan ng pondo- (Costs and Funding)
_______27. Isa sa pinakamahalagang dapat bigyang pansin sa pagnenegosyo ay ang mapagkukunan o supplier ng produkto, kagamitan, tulong teknikal at ahensya na maaaring kumuha ng empleyado na kakailanganin sa negosyo. Ang pangkat ng ____________ ang gumaganap sa mga tungkuling nabanggit.
A. Mga mapagkukunan (Resources)
B. Mamamahala (Management and Teams)
C. Mga rekomendasyon (Recommendations)
D. Pagtutuos at paglalaan ng pondo (Costs and Funding)
_______28. Sa bahaging ito ng feasibility study itatala ang mga karagdagang suhestiyon at ________ na makatutulong sa pagdedesiyon ng may-ari ng negosyo bago niya ito pormal na simulan.
A. mga mapagkukunan (Resources)
B. rekomendasyon (Recommendations)
C. mamamahala (Management and Teams)
D. pagtutuos at paglalaan ng pondo (Costs and Funding)
_______29. Isa sa mga mahahalagang bagay na dapat nilalaman ng feasibility study ay ang kikitain ng produkto o serbisyo sa bawat araw. Isinasagawa ang tamang ____________ sa bawat araw, linggo, buwan para tustusan ang pasweldo, upa, puhunan, kuryente, tubig, internet connection at aktwal na kita ng may-ari.
A. Mapagkukunan (Resources)
B. Rekomendasyon (Recommendations)
C. Paglalapat ng apendice- (Appendices)
D. Pagsusuri ng kikitain (Estimated Profit)
_______30. Nakapaloob ang ilan sa mga mahahalagang dokumento na maaaring isaalang-alang sa pagnenegosyo sa talaan ng ____________. Dito makikita ang kontrata sa supplier, lugar ng pagtatayuan, talaan ng mga permit at forms sa ahensya ng barangay, lokal, at pambansang pamahalaan (kung kailangan lang).
A. apendice (Appendices) C. pagsusuri ng kikitain (Estimated Profit)
B. mga mapagkukunan (Resources) D. mga rekomendasyon (Recommendations)
_______31. Sa pagsasagawa ng pag-aaral o feasibility study ukol sa isang negosyong nais itatag, kinakailangan na masuri ang mga alternatibong solusyon upang ____________.
A. Matukoy kung ito ay epektibo o hindi epektibo
B. Maraming mapagpilian ang nagmamay-ari ng negosyo
C. Makita kung ito ay nararapat isagawa o hindi dapat isagawa
D. Maikumpara sa isa’t isa ang mga alternatibong solusyon at mapili ang
pinakaepektibong solusyon
_______32. Kinakailangang magkaroon muna ng feasibility study bago simulan ang pagnenegosyo upang ________.
A. Matiyak na may sapat na bilang ng manggagawa sa negosyong itatayo
B. Makapagbigay ito ng kinakailangang impormasyon patungkol sa pananalapi
C. Makakuha ng tiyak na impormasyon kung magiging matagumpay ang negosyo o
hindi
D. Malaman ang mga impormasyon ukol sa mga magiging kakumpetensya
(competitors) sa negosyo
_______33. Sa pagsasagawa ng feasibility study hindi nawawala ang bahagi na pagtutuos at paglalaan ng pondo, ito ay kailangan para ________.
A. Makahanap ng magiging kasosyo sa pagnenegosyo
B. Matukoy ang halaga na dapat kitain mula sa proyekto
C. Matukoy ang halagang dapat ilaan ng may-ari upang maisakatuparan ito
D. Matiyak na mababayaran ang lahat ng nagsagawa ng pag-aaral at pananaliksik
_______34. Ang pagsasagawa ng feasibility study ay masasabing hindi naging matagumpay kapag hindi nito __________.
A. Naabot ang mga kinakailangan sa pagtatatag ng negosyo
B. Nakakuha ng mga permit na kailangan sa pagnenegosyo
C. Hindi nakakuha ng mga tauhan sa itatayong negosyo
D. Nakahanap ng mga posibleng supplier ng produkto
_______35. Matapos isagawa ang pag-aaral o feasibility study ang sumusunod ay dapat isagawa ng analyst maliban sa ______________________________.
A. Magbigay ng detalyadong ulat sa pag-aaral na isinagawa
B. Magkaroon ng malikhaing presentasyon ukol sa naisagawang pag-aaral
C. Maglatag ng mga alternatibong pamamaraan upang maisakatuparan ang
pagnenegosyo
D. Humingi ng karagdagang pondo para sa mga alternatibong solusyon ukol na
problemang natukoy sa pag-aaral
_______36. Nagbibigay ng malinaw na deskripsyon at pagkakataon sa mga naismagsimula ng negosyo ang ____________.
A. Feasiblity Study C. Feasibility services
B. Feasibility Plan D. Feasibility project
_______37. Kinakailangang masuri ang lokasyon ng itatayong negosyo. Ito ay inilalatag sa pamamagitan ng ____________.
A. Product analysis C. Market analysis
B. Product/service description D. Marketing strategy
_______38. Tinitiyak ng prosesong ito na masuri at maibigay sa mamimili ang kinakailangang serbisyo o produkto. Naisasakatuparan sa pamamagitan ng ____________.
A. Product analysis C. Market analysis
B. Product/service description D. Marketing strategy
_______39. Inilalarawan nito ang mga paraan o hakbang na makahihikayat ng mamimili na tangkilikin ang serbisyo o produkto. Ang ____________ ang susi sa pag-aaral na ito.
A. Product analysis C. Market analysis
B. Product/service description D. Marketing strategy
_______40. Ang pagsusuring feasibility ay isinasagawa ng ____________.
A. Mga kapitalistang mamumuhunan sa itatayong negosyo.
B. May-ari ng uupahang puwesto para sa itatayong negosyo.
C. May-ari ng negosyo para matiyak ang paghahanda sa mga balakid.
D. System analyst na kinonsulta ng may-ari ng magtatayo ng negosyo
_______41. Sa anong kategorya nabibilang ang mungkahing negosyo na nais itayo ni Bb. Garcia?
A. Serbisyo C. Barter
B. Produkto D. Establisyemento
_______42. Batay sa ipinakitang modelo ng feasibility study sa pagtatayo ng computer shop, anong mga bahagi ang nawawala dito?
A. Deskripsyon ng Produkto o Serbisyo, Layunin, Mga Mapagkukunan, Daloy ng
Proseso, Mga Rekomendasyon, at Apendice
B. Deskripsyon ng Negosyo, Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo, Mga Mapagkukunan,
Daloy ng Proseso, Mga Rekomendasyon, at Apendice
C. Deskripsyon ng Produkto o Serbisyo, Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo, Mga
Mapagkukunan, Daloy ng Proseso, Mga Rekomendasyon, at Apendice
_______43. Ano ang naaangkop na deskripsyon ng serbisyo batay sa nilalaman ng pag-aaral na ito?
A. Iminumungkahi ng negosyong ito na maghatid ng digital services lamang.
B. Ito ay negosyong nais matugunan ang pangangailangan ng mga kostumer sa
paggamit ng computer online at offline services kabilang ang softcopy at imprenta
ng hardcopy.
C. Ang negosyong ito ay naglalayon na matugunan ang pangangailangan ng mga
kostumer sa paggamit ng computer online at offline services kabilang ang software
at hardware services
D. Ninanais ng negosyong ito na matugunan ang pangangailangan ng mga kostumer
sa paggamit ng computer online at offline services kabilang ang softcopy at
imprenta ng hardcopy.
_______44. Kabilang sa deskripyon ng negosyong ang propayl ng nagmamay-ari nito. Kung ikaw ang negosyanteng tinutukoy sa pag-aaral na ito, anong katangian ang dapat mong taglayin upang mas maging matagumpay ang negosyong iyong itatayo?
A. Nakapagtapos ng kolehiyo sa isang prestihiyosong unibersidad.
B. May naipong sertipiko ngunit walang kasanayan o skills sa deskripsyon ng
serbisyo.
C. Kahit hindi nakatapos ng pag-aaral subalit sa oras na simulan ang negosyong ito
ay unti- unting aaralin ang pagpapatakbo.
D. May karanasan at Competent sa pandaigdigang pamantayang ibinigay ng TESDA
na may kinalaman sa Computer Services bago pa simulan ang pagnenegosyo.
_______45. Anong hakbang ang pwede mong irekomenda upang matiyak na hindi masisira ang pokus ng mga estudyante na nag-aaral sa mga paaralang malapit sa computer shop?
A. Irekomenda and pag-baban ng mga mag-aaral sa loob ng computer shop.
B. Humingi ng liham pahintulot mula sa mga magulang tuwing papasok ng shop ang
mga mag-aaral.
C. Imungkahi sa may-ari na tanggapin ang lahat ng mag-aaral sapagkat hindi naman
ito makakaapekto sa negosyo.
D. Ilagay sa rekomendasyon na magkaroon ng iskedyul o estratehiya sa
pagpapapasok ng mga mag-aaral sa loob ng shop.
______ 46. Alin sa mga sumusunod ang naglalaman ng dokumentasyon sa paggawa
ng isang bagay o produkto?
A. Leaflets at Flyers C. Menu ng Pagkain
B. Feasibility Studies D. Manwal ng Do-it-Yourself
______ 47. Ano ang dapat ilagay sa dokumentasyon upang makapagdagdag ng
kalinawan sa ipinapakitang paraan ng paggawa?
A. Larawan C. Katangian ng bagay
B. Tagline ng produkto D. Espesipikong kagamitan
______ 43. Anong antas ng wika ang ginagamit sa pagsusulat ng dokumentasyon sa
paggawa ng isang bagay o produkto?
A. Balbal C. Kolokyal
B. Pormal D. Impormal
______ 44. Alin sa mga salita ang HINDI tumutukoy sa paraan ng pagkakasulat ng
mga hakbang sa paggawa ng isang bagay o produkto?
A. Tiyak C. Malinaw
B. Payak D. Komprehensibo
______ 45. Ano ang angkop na salita na bubuo sa pangungusap, “Mahalaga ang
_____ na ayos ng mga hakbang na nakasaad sa dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto”?
A. Kronolohikal C. Konseptuwal
B. Teknikal D. Lohikal
______ 46. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang hindi kabilang sa katangiang
dapat taglayin ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto?
A. May larawang pantulong
B. May ipinapakitang proseso o hakbang
C. Nakalagay ang eksaktong kagamitan o kailangan
D. Nagpapakita ng totoong senaryo bunga ng maingat na pananaliksik
______ 47. Bakit kinakailangang detalyado ang pagkakalahad ng bawat hakbang sa
paggawa ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto?
A. Upang maging malinaw sa mga mambabasa
B. Mas mailalarawan nang maayos ang ginagawa
C. Mapapadali ang pagkuha ng mahahalagang impormasyon
D. Matutukoy agad ang pinakamadaling hakbang hanggang sa pinakamahirap
______ 48. Alin sa mga pangungusap ang tumutukoy sa kahalagahan ng mga
materyales na nagtuturo kung paano magawa ang isang bagay?
A. Upang higit na masuri ang isang produkto
B. Nakatutulong ito sa pagkilatis sa isang bagay
C. Mapapadali ang pagkatuto sa paggawa ng isang bagay
D. Masisiguro ang pagtangkilik ng mga mamimili sa produkto
______ 49. Alin sa mga pangungusap ang HINDI tumutukoy na malaking tulong ng
dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay?
A. Nagkakaroon ng bagong kaalaman ang tao.
B. Nakikinita ang kahihinatnan ng isang negosyo o gawain.
C. Higit na magiging madali ang pagsunod sa hakbang na nakasaad.
D. Nagsisilbing gabay sa sinumang nais gumawa ng isang bagay o produkto.
______ 50. Alin sa mga pahayag ang HINDI sinunod ng dokumentasyon sa paggawa
ng “ube cheese pandesal”: Sa paggawa nito, kailangan mo ng maraming
ube, kaunting harina, medyo maraming gatas, at katamtamang sukat ng
keso?
A. Masasarap at masustansya ang mga rekado
B. Madaling hanapin at bilhin ang mga sangkap
C. Detalyado ang pagkakalarawan ng mga kailangan
D. Nakalagay dapat ang eksaktong kagamitan o kailangan
______ 51. Alin sa mga pahayag ang HINDI halimbawa ng dokumentasyon sa
paggawa ng isang bagay o produkto?
A. Isang Espesyal na Durian
B. Paggawa ng Herbal na Sabon
C. Pagtatanim ng Organikong Talong
D. Pag-install ng Sim Card at Baterya ng Cellphone
______ 52. Anong antas ng wika ang ginagamit sa pagsulat ng dokumentasyon sa
paggawa ng isang bagay o produkto?
A. Balbal C. Kolokyal
B. Pormal D. Impormal
______ 53. Alin sa mga pahayag ang nakapagdaragdag ng kalinawan sa
ipinapakitang hakbang ng paggawa ng isang bagay o produkto?
A. Ilustrasyon C. Paggamit ng flow chart
B. Halaga ng gagastusin D. Detalyadong paglalarawan
______ 54. Paano ang tamang pagkakasulat ng mga hakbang sa paggawa ng isang
bagay?
A. Maikli at tuwiran
B. Payak, malinaw at tiyak
C. Wasto, komprehensibo at lohikal
D. Matalinghaga at makatotohanan
______ 55. Alin sa mga pahayag ang HINDI tumutukoy sa katangiang dapat taglayin
ng isang dokumentasyon?
A. May larawang pantulong
B. May ipinapakitang proseso o hakbang
C. Nakalagay ang eksaktong kagamitan o kailangan
D. Inilalagay ang detalyadong paglalarawan sa bagay o produkto
______ 56. Bakit kalimitang payak at direkta ang pagkakabuo ng mga pangungusap
sa paggawa ng dokumentasyon?
A. Mapapadali ang pagtukoy sa sanhi at epekto ng iminumungkahing produkto
B. Para mapadali ang paghahanap ng kinakailangang impormasyon
C. Mas madaling mailarawan ang isang bagay o produkto
D. Upang hindi magdulot ng kalituhan sa mga babasa
______ 57. Paano inilalahad ang bawat hakbang sa isang dokumentasyon sa
paggawa ng isang bagay o produkto?
A. Detalyado ang pagkakalahad ng paraan ng paggawa.
B. Isaayos ang paraan mula sa pinakamadali hanggang sa pinakamahirap.
C. Kailangang gumamit ng matatalinhagang salita sa pagbibigay ng
hakbang.
D. Unahin ang pinakamahalagang hakbang, ihuli ang hindi gaanong
mahalaga.
______ 58. Bakit kinakailangang magkaroon ng akses ang mga tao sa mga
materyales na nagtuturo kung paano magawa ang isang bagay?
A. Upang higit na masuri ang isang produkto
B. Nakatutulong ito sa pagkilatis sa isang bagay
C. Mapapadali ang pagkatuto sa paggawa ng isang bagay
D. Masisiguro ang pagtangkilik ng mga mamimili sa produkto
______ 59. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng kahinaan sa dokumentasyong
paggawa ng herbal na: mineral water, dahon ng sabila, dahon ng
kangkong, kakang gata, langis ng niyog?
A. Masyadong maraming kasangkapan ang magagamit
B. Hindi isinama ang paglalarawan sa mga gamit
C. Hindi nakalagay ang espesipikong kagamitan
D. Mahirap hanapin ang mga bagay na ito
_______60. Ang pangkalahatang tawag sa anomang pagpapabatid ng mahalagang
impormasyon.
A. Patalastas C. Paunawa
B. Babala D. Anunsyo
_______61. Nagsasaad ng mahalagang impormasyon at parang nagsasabi rin ito
ng kung ano ang maaaring gawin.
A. Patalastas C. Babala
B. Paunawa D. Anunsyo
_______62. Ito ay isang uri ng patalastas na nagsasaad ng maaring maging panganib
sa buhay ng tao.
A. Anunsyo C. Paunawa
B. Babala D. Patalastas
_______63. Ito ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon na makapagbibigay ng
sapat na kaalaman sa sinomang tao.
A. Anunsyo C. Paunawa
B. Babala D. Patalastas
_______64. Ang katangian ng isang patalastas sa paggamit ng wika.
A. Simple C. Di-pormal
B. Pormal D. Matalinghaga
_______65. Tawag sa pagsasama ng impormasyon at simbolo/imahen sa isang
patalastas.
A. Infomercial C. Poster
B. Infographics D. Banner
_______66. Ito ang mahahalagang katangian ng paraan ng pagkakasulat ng
paunawa at babala.
A. Simple at malaki C. Malaki at malinaw
B. Maligoy at malalim D. Tiyak at direkta
_______67. May tumapong langis sa sahig.
A. Paunawa B. Babala C. Anunsyo
_______68. Nagkaroon ng kontaminasyon sa inuming tubig.
A. Paunawa B. Babala C. Anunsyo
_______69. Ipapatupad ang liquor ban sa inyong lugar.
A. Paunawa B. Babala C. Anunsyo
_______70 Mayroong iskedyul ng medical mission sa isang barangay.
A. Paunawa B. Babala C. Anunsyo
LOOK! SEPTEMBER 2024 LET RESULTS Click Here
🎉 GOOD NEWS! Updates on the 2024 Service Recognition Incentives Check it HERE.
0 Comments